2021
Bagong Sistema para sa mga Temple Recommend
Nobyembre 2021


Bagong Sistema para sa mga Temple Recommend

Simula Oktubre 25, 2021, ang mga lider sa mga piling stake ay magbibigay ng mga temple recommend—maliban sa mga recommend para sa mga ordenansa para sa buhay—gamit ang Leader and Clerk Resources (LCR) para i-print ang mga recommend. Ang mga lider ng priesthood ay maaaring gumamit ng digital signature sa mga recommend na ito, o maaari nilang lagdaan ang recommend gaya ng ginagawa sa kasalukuyan.

Ang paggamit ng mga digital signature ang pinakaligtas na paraan sa pagbibigay ng mga temple recommend, at hangga’t maaari, dapat gamitin ang mga digital signature. Inaasahan ng mga lider ng Simbahan na pagsapit ng Disyembre 13, 2021, lahat ng unit ng Simbahan ay gagamit ng LCR.

Dagdag pa rito, nai-update na ang disenyo ng recommend na ginagamit ng mga miyembrong hindi pa tumanggap ng endowment para makilahok sa mga proxy baptism at kumpirmasyon. Ang katawagang “limited-use temple recommend” ay hindi na gagamitin.

Ang mga miyembrong binigyan ng mas lumang estilo ng recommend ay maaaring patuloy na gamitin ang recommend na iyon hanggang sa mag-expire ito.