2021
Dumami ang mga Pagkakataon para Maging Service Missionary
Nobyembre 2021


Dumami ang mga Pagkakataon para Maging Service Missionary

May mga pagkakataon na ngayon na maging service missionary ang mga senior na miyembro ng Simbahan kahit saan sa mundo. Ang mga senior service mission assignment dati-rati ay para lamang sa Estados Unidos, Canada, at limitadong bilang ng iba pang mga area. Ang mga service missionary ay nakatira sa bahay at naglilingkod nang 8 hanggang 40 oras sa isang linggo sa loob ng hindi kukulangin sa anim na buwan. Ang kanilang local stake president ang patuloy na magiging lider nila sa simbahan.

Hinihikayat pa rin ang mga senior na maglingkod sa mga full-time mission na malayo sa tahanan kung pahihintulutan ng kanilang sitwasyon.

Ang mga interesadong maglingkod bilang senior missionary o bilang senior service missionary ay maaaring mag-aplay sa SeniorMissionary.ChurchofJesusChrist.org (available sa English, French, Spanish, at Portuguese).