2023
Maaaring Mag-iskedyul ng mga Group Temple Appointment Online
Nobyembre 2023


“Maaaring Mag-iskedyul ng mga Group Temple Appointment Online,” Liahona, Nob. 2023.

Maaaring Mag-iskedyul ng mga Group Temple Appointment Online

Maaari na ngayong mag-iskedyul ng mga group appointment ang mga Banal sa mga Huling Araw para sa lahat ng mga proxy ordinance gamit ang online system para sa mga temple appointment. Dati-rati ay pinapayagan lamang ng system ang mga group appointment para sa mga ordenansa sa binyag at pagbubuklod sa pamamagitan ng proxy.

Ang bagong feature na ito ay isang magandang karagdagan para sa pamilya at mga kaibigan na gustong dumalo sa templo nang magkakasama. Ang mas malalaking grupo tulad ng mga ward at stake ay hinihilingang magpatuloy sa pagrereserba sa pamamagitan ng email o telepono.

Kapag nag-iiskedyul ng appointment, lagyan ng tsek ang box na may nakasulat na “karagdagang mga panauhin” at ipasok ang bilang ng dadalong mga miyembrong lalaki at babae. Iba-iba ang dami ng kasama sa pinakamalaking grupo ayon sa templo at batay sa kapasidad.

Makikita ng mga temple worker ang appointment kapag nag-check in ang mga panauhin sa recommend desk at gagabayan ang mga panauhin pagdating nila.