Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 48: Ang Mga Misyonero sa Ibang Lupain: (Hunyo 1837–Oktubre 1841)


Kabanata 48

Ang Mga Misyonero sa Ibang Lupain

(Hunyo 1837–Oktubre 1841)

Larawan
large ship on ocean

Ibig ng Panginoon na matutuhan ng mga tao sa ibang lupain ang tungkol sa ebanghelyo. Sinabi niya kay Joseph Smith na ang ilan sa mga Banal ay dapat magmisyon sa Inglatera. Si Elder Heber C. Kimball at tatlong iba pang kalalakihan ang napili na pumaroon. Sila ay naglakbay-dagat patungong Inglatera lulan ng isang barko.

Larawan
missionaries preaching

Nakilala nila ang isang lalaki na pinuno ng ibang simbahan. Hinayaan ng lalaki ang mga misyonero na makapangaral sa kanyang simbahan. Marami sa mga tao ang naniwala sa mga misyonero. Ninais nilang mabinyagan. Dahil dito nagalit ang pinuno. Sinabi niya na ang mga misyonero ay hindi na maaaring makapangaral sa kanyang simbahan.

Larawan
missionaries preaching

Nangaral ang mga misyonero sa mga tahanan ng mga tao. Marami sa mga tao ang sumapi sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Larawan
Joseph speaking to missionaries

Di-nagtagal, ang ibang kalalakihan ay nagsipagmisyon saInglatera. Ang ilan sa kanila ay mga Apostol. Kinausap sila niJoseph bago sila umalis. Sinabi niya sa kanila kung ano angdapat nilang ituro sa mga tao.

Larawan
Joseph speaking to missionaries

Sinabi ni Joseph sa mga Apostol na sundin ang lahat ng kautusan ng Diyos. Nakipag-usap siya sa kanila tungkol sa pagkasaserdote. Sinabi niya na tanging ang totoong Simbahan lamang ni Jesucristo ang mayroong pagkasaserdote.

Larawan
missionarites leaving their families

Ang kalalakihan ay handa nang magtungo sa kanilang mga misyon. Wala silang anumang pera. Marami sa kanila ang may sakit. Ang ilan sa kanilang asawa at mga anak ay may sakit. Subalit alam ng kalalakihan na sila ay tutulungan ng Ama sa Langit atpagpapalain ang kanilang mag-anak. Nagpunta sa Inglatera ang mga misyonero. Sila ay nangaral

Larawan
missionary baptizing woman

sa maraming bayan. Libu-libong mabubuting tao angnaniwala sa ebanghelyo. Sila ay sumapi sa Simbahan niJesucristo. Pinagpala ng Ama sa Langit ang mga misyonero.Silang lahat ay nakauwi sa kanilang mga tahanan nang ligtaspagkatapos ng kanilang misyon.

Larawan
Orson Hyde blessing the Holy Land

Isa sa Labindalawang Apostol ay si Orson Hyde. Sinabi ni Joseph Smith na si Orson ay mayroong natatanging gawain na gagawin para sa mga Judio. Si Orson ay nagpunta sa lupain ng Palestina. Noong ika-24 ng Oktubre 1841, siya ay nanalangin upang ilaan ang lupain ng Palestina.

Larawan
the Holy Land

Hiniling niya sa Ama sa Langit na basbasan ang lupain.Ipinanalangin niya na magkaroon doon ng tubig upangtumubo ang mga pananim. Nanalangin siya na ang lahat nganak ni Abraham ay makatungo at makapanirahan sa Palestina.Doon sila ay makapagtatayo ng mga tahanan at halamanan.

Larawan
President Spencer W. Kimball in the Holy Land

Pinagpala ng Diyos ang lupain ng Palestina. Ngayon ito ay tinatawag na Israel. Noong 1979, si Pangulong Spencer W. Kimball ay nanalangin upang ilaan ang halamanan sa Israel. Ito ay tinatawag na The Orson Hyde Memorial Garden.