Library
Milenyo


Larawan
si Jesus na bumababa mula sa langit

Pag-aaral ng Doktrina

Milenyo

Buod

Ang isang milenyo ay 1,000 taon. Kapag pinag-uusapan natin “ang Milenyo,” tinutukoy natin ang 1,000 taon kasunod ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas (tingnan sa Apocalipsis 20:4; Doktrina at mga Tipan 29:11). Sa panahon ng Milenyo, “maghahari si Cristo sa mundo” (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:10).

Ang Milenyo ay panahon ng kabutihan at kapayapaan sa mundo. Inihayag ng Panginoon na “sa araw na yaon ang pag-aalitan ng tao, at ang pag-aalitan ng mga hayop, oo, ang pag-aalitan ng lahat ng laman, ay matitigil” (Doktrina at mga Tipan 101:26; tingnan din sa Isaias 11:6–9). Si Satanas ay “igagapos, upang siya ay mawalan ng puwang sa mga puso ng mga anak ng tao” (Doktrina at mga Tipan 45:55; tingnan din sa Apocalipsis 20:1–3).

Sa panahon ng Milenyo, lahat ng tao sa mundo ay magiging mabuti at makatarungan, ngunit marami ang hindi pa nakatatanggap ng kabuuan ng ebanghelyo. Dahil dito, makikibahagi ang mga miyembro ng Simbahan sa gawaing misyonero.

Makikibahagi rin ang mga miyembro ng Simbahan sa gawain sa templo sa panahon ng Milenyo. Ang mga Banal ay patuloy na magtatayo ng mga templo at tatanggap ng mga ordenansa para sa kanilang mga yumaong kamag-anak. Sa patnubay ng paghahayag, ihahanda nila ang mga rekord ng kanilang mga ninuno magmula sa panahon nina Adan at Eva.

Magpapatuloy ang lubos na kabutihan at kapayapaan hanggang magwakas ang 1,000 taon, kung saan si Satanas “ay kakalagan ng maikling panahon, upang kanyang makalap ang kanyang mga hukbo.” Makikipaglaban ang mga hukbo ni Satanas sa mga hukbo ng langit, na pamumunuan ni Miguel, o Adan. Si Satanas at ang kanyang mga alagad ay matatalo at itatapon magpakailanman. (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:111–15.)

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

Larawan
Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

Come, Let Us Anew

Resources sa Pag-aaral

Pangkalahatang Resources

Mga Magasin ng Simbahan

Erin Sanderson, “Si Jesucristo ay Paparitong Muli!Liahona, Disyembre 2015

Alam Ba Ninyo?Liahona, Agosto 2006

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo

Media

Audio

Musika