Library
Gawaing Misyonero


Larawan
mga missionary na nakikipag-usap sa isang lalaki

Pag-aaral ng Doktrina

Gawaing Misyonero

Ipinahayag ng Panginoon na ang gawaing misyonero ay responsibilidad ng lahat ng sumusunod sa Kanya. Ang mga miyembro ng Simbahan ng Panginoon, sa pamamagitan ng kabutihan ng kanilang mga buhay at lakas ng kanilang mga patotoo, ay makapagbabahagi ng mensahe ng ebanghelyo at makatutulong na maihanda ang mga kapamilya, kaibigan, at iba pang kakilala na hindi Banal sa mga Huling Araw na maturuan ng mga full-time missionary.

Buod

Ipinahayag ng Panginoon na ang gawaing misyonero ay responsibilidad ng lahat ng sumusunod sa Kanya (tingnan sa Mateo 28:19–20; Doktrina at mga Tipan 88:81). Ang mga miyembro ng Simbahan ng Panginoon, sa pamamagitan ng kabutihan ng kanilang mga buhay at lakas ng kanilang mga patotoo, ay makapagbabahagi ng mensahe ng ebanghelyo at makatutulong na maihanda ang mga kapamilya, kaibigan, at iba pang kakilala na hindi Banal sa mga Huling Araw na maturuan ng mga full-time missionary.

Kapag nararanasan natin ang mga pagpapala sa pamumuhay ng ebanghelyo, kusa nating nanaising ibahagi ang mga pagpapalang iyon sa iba. Nagsalita ang Panginoon tungkol sa kagalakang dumarating sa ating mga buhay kapag ibinabahagi natin ang Kanyang ebanghelyo:

“Kung mangyayaring kayo ay gagawa nang buo ninyong panahon sa pangangaral ng pagsisisi sa mga taong ito, at magdala, kahit isang kaluluwa sa akin, anong laki ng inyong kagalakang kasama niya sa kaharian ng aking Ama!

“At ngayon, kung ang inyong kagalakan ay magiging malaki sa isang kaluluwa na inyong nadala sa akin sa kaharian ng aking Ama, anong laki ng inyong kagalakan kung makapagdadala kayo ng maraming kaluluwa sa akin!” (Doktrina at mga Tipan 18:15–16).

Matapos ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, iniutos ng Panginoon sa Kanyang mga disipulo na “sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo” (Mateo 28:19). Bilang pagsunod sa utos na ito, tungkulin ng bawat may kakayahang kabinataan sa Simbahan na maghanda sa espirituwal, pisikal, at emosyonal upang makapaglingkod bilang mga full-time missionary. May oportunidad din ang mga dalaga at may edad nang mag-asawa na maglingkod ng mga full-time mission.

Kabilang din sa gawaing misyonero ang pagtulong at pagsuporta sa mga yaong sumasapi sa Simbahan. Tulad ng itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley, ang bawat bagong miyembro ng Simbahan ay nangangailangan ng tatlong bagay: isang kaibigan, isang responsibilidad, at pangangalaga ng “mabuting salita ng Diyos” (Moroni 6:4).

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

Larawan
Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

Called to Serve [Tinawag Upang sa Diyos Maglingkod]

I’ll Go Where You Want Me to Go [Tutungo Ako Saanman]

Resources sa Pag-aaral

Mga Magasin ng Simbahan

E. Tracy Williams, “Pagdaig sa mga Kahinaan, Pagkakaroon ng Pananampalataya,” Liahona, Pebrero 2017

Naniniwala Tayo na Pupunuin ng Simbahan ang Mundo,” Liahona, Enero 2017

Barbara Jean Jones, “Ito ang Inyong Tawag,” Liahona, Oktubre 2001

Paghahanda,” Liahona, Oktubre 2001

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo

Media

Musika