Seminaries and Institutes
Lesson 25: Si Jesucristo ay Babalik Balang Araw


25

Si Jesucristo ay Babalik Balang Araw

Pambungad

Ang mga propeta sa lahat ng henerasyon ay nagpropesiya na si Jesucristo ay babalik muli sa lupa. Itinala ni Isaias, “At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag, at makikitang magkakasama ng lahat na tao” (Isaias 40:5). Ang mga propesiyang ito ay tutulong sa mga disipulo ni Jesucristo na maihanda ang kanilang sarili at ang iba para sa natatanging pangyayaring ito at magkaroon ng pag-asa, batid na nakikita ng Ama sa Langit ang hinaharap at inihahanda ang mundo para sa maluwalhating pagbabalik ng Kanyang Anak.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito

  • Dallin H. Oaks, “Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito,” Ensign o Liahona, Mayo 2004, 7–10.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Ang Tagapagligtas ay darating sa kapangyarihan at kaluwalhatian

Itanong sa mga estudyante ang mga sumusunod, at ibuod ang kanilang mga sagot sa pisara:

  • Ano ang naiisip ninyo kapag binabanggit ang Ikalawang Pagparito?

  • Ano ang paniniwala ninyo sa mangyayari sa Ikalawang Pagparito?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 29:11. Pagkatapos ay itanong sa klase:

  • Ano ang nalaman ninyo mula sa scripture passage na ito tungkol sa Ikalawang Pagparito? (Kapag nakasagot na ang mga estudyante, bigyang-diin ang sumusunod na katotohanan: Kapag muling pumarito ang Tagapagligtas, Siya ay darating sa kapangyarihan at kaluwalhatian kasama ang lahat ng hukbo ng langit. Isulat sa pisara ang katotohanang ito.)

Ipaliwanag sa mga estudyante na maraming aspeto ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo na maaaring pag-aralan sa mga banal na kasulatan, tulad ng mga tanda na magaganap bago ang Kanyang pagparito at ang pagkalipol ng masasama sa Kanyang pagparito. Higit na pagtutuunan ng lesson na ito ang Tagapagligtas, ang kanyang pagparito sa kapangyarihan at kaluwalhatian, at kung paano tayo makapaghahanda para sa dakilang kaganapang iyon. Bigyan ang bawat estudyante ng kopya ng chart na “Mga Propesiya tungkol sa Ikalawang Pagparito.” Sabihin sa mga estudyante na magpartner-partner para magtulungan sa pagsagot, at ipaaral sa bawat magkapartner ang dalawa o tatlong hanay ng mga scripture passage (tiyaking na-assign ang bawat hanay). Sabihin sa bawat magkapartner na isulat sa chart kung ano ang itinuturo ng mga scripture passage na naka-assign sa kanila tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Larawan
handout, ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

Ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

Mga propesiya tungkol sa Ikalawang Pagparito

Mga nalaman natin tungkol sa Ikalawang Pagparito

Doktrina at mga Tipan 49:6–7; Joseph Smith—Mateo 1:40

Isaias 40:5; Mateo 16:27

Isaias 52:10; Doktrina at mga Tipan 133:3

Zacarias 13:6; 14:4; Doktrina at mga Tipan 45:48, 51–53

Isaias 63:2; Apocalipsis 19:11–13; Doktrina at mga Tipan 133:46–48

Mga Gawa 1:9–11; I Mga Taga Tesalonica 4:16

I Mga Taga Tesalonica 4:17; Doktrina at mga Tipan 88:96–98

Apocalipsis 16:20; Doktrina at mga Tipan 133:21–24

Doktrina at mga Tipan 5:19; 101:24–25; 133:41

II Ni Pedro 3:10; Joseph Smith—Mateo 1:46–48

Isunod na itanong ang mga sumusunod:

  • Batay sa napag-aralan ninyo, paano ipapakita ang kapangyarihan at kaluwalhatian ni Jesucristo sa Kanyang pagparito?

  • Alin sa mga propesiya tungkol sa Ikalawang Pagparito ang pinakanapansin ninyo? Bakit?

(Paalala: Bago magpatuloy, maaari mong balikan ang chart at itanong sa mga estudyante kung ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa ganitong paraan—paghahanap ng mga pagkakaugnay-ugnay, huwaran o pattern, at mga tema.)

Doktrina at mga Tipan 1:12; 34:5–6; 39:20; 88:81–86, 92; 133:4–5, 10

Inihahanda tayo ng mga propeta para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Sterling W. Sill (1903–1994) ng Pitumpu, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

Larawan
Elder Sterling W. Sill

“Ang ikalawang pagparito ni Cristo ay nabanggit nang mahigit sa 1,500 beses sa Lumang Tipan at 300 beses sa Bagong Tipan. Kung iniisip ng Diyos na mahalaga ang bagay na ito, gusto niyang may gawin tayo tungkol dito” (sa Conference Report, Abr. 1966, 19).

  • Sa palagay ninyo, bakit mahalaga na napakaraming propesiya ang isinama sa mga banal na kasulatan hinggil sa Ikalawang Pagparito?

Ipakita ang mga sumusunod na scripture passage, o isulat ang mga ito sa pisara. Sabihin sa mga estudyante na tahimik na paghambingin ang mga scripture passage na ito, at alamin ang dalawang magkaibang paraan na makapaghahanda tayo para sa Ikalawang Pagparito.

D at T 1:12; 88:92; 133:4–5, 10

D at T 34:5–6; 39:20; 88:81–84

Matapos ang sapat na oras, talakayin ang ilan o lahat ng mga sumusunod na tanong:

  • Paano ninyo ibubuod sa isang pahayag ang mga katotohanang itinuro sa mga scripture passage na ito? (Tiyakin na maipahayag ng mga estudyante ang katulad ng sumusunod: Ang mga propesiya tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo ay ibinigay at itinala sa mga banal na kasulatan upang maihanda natin ang ating sarili at ang iba para sa araw na iyon.)

  • Bakit kinakailangan nating ihanda ang iba at hindi lamang ang ating sarili para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?

  • Ano ang ilang paraan na maaari nating matulungan ang iba para sa pagbabalik ng Panginoon?

  • Kapag tinulungan ninyo ang iba na maghanda para sa Ikalawang Pagparito, paano kaya ito makatutulong sa inyo na makapaghanda rin sa Ikalawang Pagparito?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Larawan
Elder Dallin H. Oaks

“Bagama’t wala tayong kapangyarihang baguhin ang katotohanan ng Ikalawang Pagparito at di natin alam ang mismong oras, mapapabilis natin ang sarili nating paghahanda at mapagsisikapang impluwensyahan ang paghahanda ng mga nasa paligid natin. …

“Paano kung bukas na ang dating Niya? Kung alam nating haharap tayo sa Panginoon bukas—sa maagang pagkamatay natin o sa di-inaasahang pagdating Niya—ano ang gagawin natin ngayon? Ano ang mga ipagtatapat natin? Anong mga gawi ang ititigil natin? Anong mga pagkukulang ang pagbabayaran natin? Ano ang mga patatawarin natin? Anong mga patotoo ang ibibigay natin?

“Kung gagawin natin ang mga bagay na ito, bakit hindi pa ngayon? Bakit hindi hangarin ang kapayapaan hangga’t maaari pa itong matamo? Kung kinulang ang langis sa ating ilawan ng paghahanda, agad natin itong simulang palitan” (“Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito,” Ensign o Liahona, Mayo 2004, 8, 9).

  • Ano ang maaaring gawin ng isang tao upang mapabilis ang kanyang paghahanda para sa Ikalawang Pagparito?

  • Ano ang panganib sa pagpapaliban ng ating paghahanda?

Mateo 25:1–13

Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

Ipaliwanag sa mga estudyante na ilang araw bago ang kamatayan ni Jesucristo, nagtanong ang Kanyang mga disipulo hinggil sa mga tanda na mangyayari bago ang Kanyang Ikalawang Pagparito (tingnan sa Mateo 24:3; Joseph Smith—Mateo 1:4). Ang tugon ng Tagapagligtas ay matatagpuan sa Mateo 24–25. Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Mateo 25:1–13, at sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa. Pagkatapos ay ituon ang mga estudyante sa pagtalakay sa talinghaga tungkol sa sampung dalaga gamit ang ilan o lahat ng mga sumusunod na tanong at pahayag:

  • Ano sa palagay ninyo ang kamangmangan sa ginawa ng limang dalagang ito? (Hindi ginawa ng mga mangmang na dalaga ang mga bagay na kinakailangan sa paghahanda para sa pagparito ng Tagapagligtas. Ang masigasig na paghahanda para sa pagparito ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng paggawa ng alam nating tama ay nagdudulot ng malalaking pagpapala, kabilang na ang pagiging handang sumama sa Tagapagligtas kapag Siya ay dumating.)

  • Anong kahalagahan ng pariralang “magsilabas kayo upang salubungin siya”? (talata 6). Bakit hindi na lang matiyagang hintayin na dumating Siya sa inyo? (Tingnan din sa D at T 133:5, 10, 14, 19.)

  • Bakit hindi magawang magbahagi ng kanilang langis ang matatalinong dalaga sa mga mangmang na dalaga?

  • Ano ang itinuturo sa inyo ng talinghagang ito tungkol sa paghahanda sa pagharap sa Tagapagligtas? (Iba-ibang salita man ang gamitin nila, maaaring maipahayag ng mga estudyante ang alituntuning tulad ng sumusunod: Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan ng Diyos, makapaghahanda tayo para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Tingnan din sa D at T 45:56–57.)

Dagdagan ang talakayan gamit ang mga sumusunod na pahayag nina Elder Dallin H. Oaks at Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Larawan
Elder Dallin H. Oaks

“Tungkol [sa talinghaga ng sampung dalaga], sinabi ng Panginoon, ‘At sa araw na iyon, kung kailan ako ay paparito sa aking kaluwalhatian, ay matutupad ang talinghaga na aking sinabi hinggil sa sampung birhen’ (D at T 45:56).

“Sa ika-25 kabanata ng Mateo, [pinaghahambing] ng talinghagang ito ang kalagayan ng limang hangal at limang matatalinong dalaga. Inanyayahan ang sampu sa kasalan, ngunit kalahati lang sa kanila ang may handang langis sa kanilang ilawan nang dumating ang kasintahang lalaki. Ang limang nakahanda ay nakapasok sa kasalan, at isinara na ang pinto. Ang limang naantala sa paghahanda ay nahuli. Sarado na ang pinto, at ayaw na silang papasukin ng Panginoon na nagsabing, ‘Hindi ko kayo nangakikilala’ [Mateo 25:12]. ‘Mangagpuyat nga kayo,’ sabi ng Tagapagligtas, ‘sapagka’t hindi ninyo nalalaman ang araw ni ang oras [ng pagdating ng Anak ng tao]’ [Mateo 25:13].

“Nakakakilabot ang mensahe ng talinghagang ito. Ang sampung dalaga ay hayagang simbolo ng mga miyembro ng Simbahan ni Cristo, dahil lahat ay inanyayahan sa kasalan at alam ng lahat kung ano ang kailangan upang makapasok pagdating ng kasintahang lalaki. Ngunit kalahati lang ang handa nang dumating ito” (Dallin H. Oaks, “Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito,” Ensign o Liahona, Mayo 2004, 8).

Larawan
Elder David A. Bednar

“Ang matatalino bang dalaga ay sakim at ayaw magbigay, o tama lang na ipinapahiwatig nila na ang langis ng pagbabalik-loob ay hindi maaaring hiramin? Ang espirituwal na kalakasan ba na bunga ng pagkamasunurin sa tuwina sa mga kautusan ay maaaring ibigay sa ibang tao? Ang kaalaman ba na nakamtan sa masigasig na pag-aaral at pagninilay ng mga banal na kasulatan ay maaaring ibigay sa isang taong nangangailangan? Ang kapayapaan bang hatid ng ebanghelyo sa matapat na Banal sa mga Huling Araw ay maaaring ilipat sa isang taong dumaranas ng hirap o malaking hamon? Ang malinaw na sagot sa bawat isa sa mga tanong na ito ay hindi.

“Gaya ng wastong pagbibigay-diin ng matatalinong dalaga, kailangang ‘magsibili tayo para sa ating sarili.’ Ang inspiradong kababaihang ito ay hindi naglalarawan ng transaksyon sa negosyo; sa halip, binibigyang-diin nila ang ating indibiduwal na responsibilidad na panatilihing nag-aalab ang ating ilawan ng patotoo at magkaroon ng sapat na suplay ng langis ng pagbabalik-loob. Ang mahalagang langis na ito ay nakukuha sa paisa-isang patak—‘taludtod sa taludtod [at] tuntunin sa tuntunin’ (2 Nephi 28:30), nang buong tiyaga at sigasig. Walang shortcut dito; walang huling-sandaling paghahanda ang maaaring magawa” (David A. Bednar, “Nagbalik-loob sa Panginoon,” Ensign o Liahona, Nob. 2012, 109).

  • Bakit kailangang kaagad tayong maghanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?

Maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod na hindi kumpletong pahayag at sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ito at pagkatapos ay isulat kung paano nila kukumpletuhin ito:

Upang mapabilis ang aking paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ni Cristo, ako ay .

Hikayatin ang mga estudyante na mag-isip ng mga paraan na matutulungan nila ang kanilang pamilya, mga kaibigan, o iba pa na maunawaan ang kahalagahan ng paghahanda para sa pagbabalik ni Jesucristo. Hikayatin ang mga estudyante na mangako sa Panginoon na susundin nila ang anumang inspirasyong natanggap nila.

Mga Babasahin ng mga Estudyante