Kalusugan ng Pag-iisip
2: “Parang Basag na Sisidlan”


“2: ‘Parang Basag na Sisidlan,’” Kalusugang Pangkaisipan: Mga Pangkalahatang Alituntunin (2019)

“‘Parang Basag na Sisidlan,’” Kalusugang Pangkaisipan: Mga Pangkalahatang Alituntunin

Larawan
lalaking nakatayo sa bangketa

“Parang Basag na Sisidlan”

Isa sa apat na tao sa mundo ay maaaring magkaroon ng karamdaman sa pag-iisip sa ilang panahon ng kanilang buhay. Mahigit 16 na milyong adult sa U.S. ang nakaranas kahit paano ng mga sintomas ng matinding depresyon nang isang beses sa buhay nila noong nakaraang taon.

Mahal ng Tagapagligtas ang bawat isa sa mga anak ng Kanyang Ama sa Langit. Lubos Niyang nauunawaan ang sakit at paghihirap na nararanasan ng marami na iba’t iba ang mga problema sa kalusugang pangkaisipan. Siya ay nagdanas ng “mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso; … [dinala] niya sa kanyang sarili ang mga pasakit at ang mga sakit ng kanyang mga tao” (Alma 7:11; idinagdag ang pagbibigay-diin; tingnan din sa Sa Mga Hebreo 4:15–16; 2 Nephi 9:21). Dahil nauunawaan Niya ang lahat ng hirap, alam Niya kung paano “[magpagaling ng mga pusong puno ng pighati”] (Lucas 4:18; tingnan din sa Isaias 49:13–16).

Ang realidad na mabuhay nang may problema sa kalusugang pangkaisipan ay magkakaiba sa bawat tao. Ang mga sintomas at problemang gaya ng depresyon o pagkabalisa ay maaaring makita sa mga naiibang paraan, kahit magkapareho ng diagnosis ang mga indibiduwal. Inaanyayahan namin ang mga miyembro ng Simbahan at komunidad na dagdagan ang kanilang pagkahabag at suporta sa mga taong may mga problema sa kalusugang pangkaisipan at gawin ang lahat ng kanilang makakaya para mapangalagaan din ang kalusugan ng sarili nilang isipan.

  • Mag-ingat sa mga sasabihin mo. Ang pananalita mo ay maaaring magpabago ng nasasaloob o nadarama ng isang tao. Iwasang magsalita ng mga bagay na nakasasakit o negatibo, at piliin ang mga salita na mas naglalarawan sa nakikita mo. Bisitahin ang Time to Change o ang American Psychiatric Association para sa karagdagang kaalaman.

  • Maging kaibigan. Makinig nang buong tiyaga at nang walang panghuhusga kapag nagbabahagi ang iba ng mga problema nila. Tulungan silang makahanap ng mga professional resources kung kailangan pa nila ng karagdagang tulong. Bisitahin ang HelpGuide.org o ang Active Minds para sa karagdagang impormasyon.

  • Pangalagaan ang sarili. Dahil sa mga limitasyon ng mortalidad, maaaring kailanganin nating maghinay-hinay at magpahinga para mabawi ang ating lakas sa ilang pagkakataon (tingnan sa Mosias 4:27). Hindi kasakiman ang magkaroon ng oras para sa iyong sarili. Bisitahin ang Mind.org o panoorin ang TED Talk on the importance of self-care para sa karagdagang kaalaman.