Kalusugan ng Pag-iisip
4: Dapat mong malaman na maraming sanhi ang mga problema sa kalusugan ng isipan.


“4: Dapat mong malaman na maraming sanhi ang mga problema sa kalusugan ng isipan Kalusugang Pangkaisipan: Mga Pangkalahatang Alituntunin (2019)

“Mga Sanhi ng mga Problema sa Kalusugan ng Isipan,” Kalusugang Pangkaisipan: Mga Pangkalahatang Alituntunin

Larawan
babaeng nakatanaw sa bintana

Dapat mong malaman na maraming sanhi ang mga problema sa kalusugan ng isipan.

Sa Juan 9:2 nagtanong ang mga disipulo ng Tagapagligtas sa Kanya tungkol sa lalaking bulag: “Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kaniyang mga magulang, upang siya’y ipanganak na bulag?” Sinagot ni Jesus ang Kanyang mga disipulo at itinuro sa kanila, “Hindi dahil sa ang taong ito’y nagkasala, ni ang kaniyang mga magulang man: kundi upang mahayag sa kaniya ang mga gawa ng Dios” (Juan 9:3). Sa maikling pag-uusap na ito nalaman natin na maraming paghihirap, kabilang na ang mga problema sa kalusugan ng isipan, ang hindi bunga ng kasalanan at na maaari tayong mapagaling. Maraming bagay ang sanhi ng mga problema sa kalusugan ng isipan—genetics, kapaligiran, malubhang aksidente, sitwasyon sa buhay, at, kung minsan, ang mga pinili o desisyon sa buhay. Anuman ang mga sanhi, makakahugot tayo ng lakas mula sa Tagapagligtas para sa pag-asa at paggaling. Huwag nating isipin agad na ang isang problema sa kalusugan ng isipan ay direktang sanhi ng kasalanan o kahinaan ng pagkatao.