Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Jose at ang Taggutom


“Si Jose at ang Taggutom,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)

“Si Jose at ang Taggutom,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Genesis 42–46

Si Jose at ang Taggutom

Pagkakataon ng isang kapatid na pagkaisahin ang kanyang pamilya

Larawan
isinugo ni Jacob ang kanyang mga anak papuntang Egipto

Nagutom ang pamilya ni Jacob dahil sa taggutom. Kaya isinugo ni Jacob ang kanyang mga anak papuntang Egipto upang bumili ng pagkain. Hinayaan niyang manatili sa bahay ang kanyang bunsong anak na si Benjamin. Natakot siyang mawalay sa kanya si Benjamin tulad ng pagkawalay sa kanya ng kanyang anak na si Jose maraming taon na ang nakalipas. Hindi niya alam na ibinenta ng kanyang mga nakatatandang anak si Jose bilang isang alipin.

Genesis 42:1–4

Larawan
humihingi ng pagkain kay Jose ang magkakapatid

Sa panahong ito, si Jose ay isa nang dakilang pinuno sa Egipto. Siya ang namahala sa pagbebenta ng pagkain sa gitna ng taggutom. Lumapit ang magkakapatid kay Jose at humingi sila ng pagkain sa kanya. Hindi nila siya nakilala.

Genesis 42:5–8

Larawan
nagsasalita si Jose

Nakilala sila ni Jose, ngunit nagkunwari siya na hindi niya sila kilala. Tinanong niya sila tungkol sa kanilang pamilya upang malaman kung buhay pa ang kanyang ama at kapatid na si Benjamin.

Genesis 42:10–14

Larawan
umalis ang magkakapatid na may dalang pagkain

Pagkatapos ay binigyan ni Jose ng pagkain ang kanyang mga kapatid. Sinabihan niya sila na huwag bumalik para sa karagdagang pagkain maliban na lamang kung isasama nila ang kanilang bunsong kapatid na si Benjamin.

Genesis 42:15–20

Larawan
bumalik sa Egipto ang magkakapatid

Nang muling maubusan ng pagkain ang pamilya, alam ni Jacob na kailangan niyang ipadala si Benjamin kasama ng iba pa niyang mga anak pabalik sa Egipto. Natatakot pa rin si Jacob na hayaang umalis si Benjamin. Ngunit si Juda, isa sa magkakapatid, ay nangako na pananatilihin niyang ligtas si Benjamin.

Genesis 43:1–15

Larawan
inaakusahan ni Jose ang magkakapatid na nagnakaw ng isang kopang pilak

Nang bumalik ang magkakapatid sa Egipto, ipinalabas ni Jose na tila nagnakaw si Benjamin ng isang kopang pilak. Nais niyang makita kung nagbago na ang kanyang mga nakatatandang kapatid. Nakiusap si Juda kay Jose na huwag parusahan si Benjamin kundi sa halip ay siya ang parusahan.

Genesis 44

Larawan
ibinunyag ni Jose kung sino siya

Masaya si Jose na makitang nagbago na ang kanyang mga kapatid. Dahil sa pagmamahal nila kay Benjamin, handa silang protektahan ito. Kaya, sa wakas, sinabi sa kanila ni Jose kung sino siya.

Genesis 42:21–24; 45:1–4

Larawan
yakap ni Jose ang kanyang mga kapatid

Pinatawad ni Jose ang kanyang mga kapatid sa pagbenta sa kanya upang maging alipin. Sinabi ni Jose na ito ang paraan ng Panginoon upang tulungan ang kanilang pamilya na makaligtas sa taggutom.

Genesis 45:5–8

Larawan
tumatakbo ang magkakapatid palapit kay Jacob

Bumalik ang mga kapatid ni Jose sa kanilang amang si Jacob, at sinabi nila sa kanya ang lahat ng nangyari. Inilipat ni Jacob ang kanyang buong pamilya sa Egipto.

Genesis 45:24–28; 46:1–26

Larawan
sina Jose at Jacob sa Egipto, nagmamasid si Faraon

Malugod na tinanggap ni Faraon ang pamilya ni Jacob. Binigyan niya sila ng lupain at mga hayop upang magkaroon sila ng maraming pagkain. Ang pamilya ni Jacob ay namuhay nang mapayapa sa loob ng mahabang panahon.

Genesis 45:16–23