Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Tore ng Babel


“Ang Tore ng Babel,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan (2022)

“Ang Tore ng Babel,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan

Genesis 11

Ang Tore ng Babel

Mga taong nagtatangkang magtayo ng daan papunta sa langit

Larawan
masasamang tao

Matapos ang baha, nagsimulang sumuway sa Diyos ang mga tao. Ang ilan sa kanila ay hindi naniwala sa plano ng Diyos. Nang hindi nagtatanong sa Diyos, nagsimula silang magtayo ng isang tore para makarating sa langit. Ito ay isang huwad na templo na tinatawag na Tore ng Babel.

Genesis 11:4, 9

Larawan
nagtatayo ng tore ang mga tao

Hindi nasiyahan ang Diyos na nagtatayo ng tore ang mga tao. Binago Niya ang kanilang wika para hindi nila maunawaan ang isa’t isa. Dahil hindi nila maunawaan ang isa’t isa, kinailangan nilang itigil ang pagtatayo ng tore.

Genesis 11:6–8; Eter 1:33

Larawan
umaalis ang mga tao

Ikinalat ng Diyos ang mga tao at ipinadala Niya sila sa iba’t ibang panig ng mundo upang mamuhay.

Genesis 11:9