Institute
Lesson 23 Materyal ng Titser: Pagsunod sa mga Kautusan ng Diyos


“Lesson 23 Materyal ng Titser: Pagsunod sa mga Kautusan ng Diyos,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Turo at Doktrina ng Aklat ni Mormon (2021)

“Lesson 23 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Turo at Doktrina ng Aklat ni Mormon

Lesson 23 Materyal ng Titser

Pagsunod sa mga Kautusan ng Diyos

Ang unit na ito ay magbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na pag-isipan kung ano ang maaari nilang gawin upang magkaroon ng higit na tiwala sa Panginoon habang hinaharap nila ang mga hamon ng buhay. Sa lesson na ito, maipaliliwanag ng mga estudyante kung paano nagpakita si Jesucristo ng lubos na tiwala sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng Kanyang kautusan. Tutukuyin din ng mga estudyante ang mga pagpapala ng pagsunod at pag-iisipan nila kung ano ang maaari nilang gawin upang higit na matularan ang halimbawa ng pagsunod ni Jesucristo.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Sinusunod ni Jesucristo ang kalooban ng Ama sa Langit sa lahat ng bagay.

Idispley ang mga kalakip na larawan ni Jesucristo. Pagkatapos ay anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang 2 Nephi 31:6–7, 10; 3 Nephi 11:11; 27:13 at alamin kung ano ang maaari nating matutuhan tungkol sa pagsunod mula sa halimbawa ng Tagapagligtas.

Larawan
si Juan Bautista na binibinyagan si Jesucristo
Larawan
si Jesus na nananalangin sa Getsemani
Larawan
Ang Pagpapako sa Krus, ni Carl Heinrich Bloch
  • Ano ang maaari nating matutuhan tungkol sa pagsunod mula sa halimbawa ni Jesucristo? (Maaaring matukoy ng mga estudyante ang ilang katotohanang tulad ng sumusunod: Sa pamamagitan ng mapagpakumbabang pagsunod sa kalooban ng Ama sa Langit sa lahat ng bagay, nagpakita si Jesucristo ng perpektong halimbawa ng pagsunod na dapat nating tularan.)

  • Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang kahandaan ni Jesucristo na sundin ang Ama sa tagumpay ng Kanyang misyon sa mundo? Bakit mahalaga ang pagsunod sa inyong tagumpay sa buhay na ito at sa kabilang-buhay?

  • Paano nagbibigay sa inyo ng inspirasyon at lakas ang halimbawa ng pagsunod ng Tagapagligtas upang maging mas masunurin kayo sa kalooban ng Ama sa Langit?

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung ano ang maisasakatuparan nila sa pamamagitan ng sarili nilang pagsunod, maaari mong ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder Von G. Keetch ng Pitumpu:

Larawan
Elder Von G. Keetch

Ang tunay na pagsunod ay ang lubusang pagpapasakop sa [Ama sa Langit] at [pagtutulot sa Kanya na] ihanda ang ating tatahakin, mapayapa o mapanganib man ang daan, dahil nauunawaan natin na mas maganda ang magagawa Niya sa atin kaysa sa magagawa natin sa ating sarili. …

… Ipinapakita [ng mga kautusan] ang daan na dapat nating tahakin—at higit sa lahat, ipinauunawa nito ang dapat nating kahinatnan. (“Pinagpala at Maligaya ang mga Taong Sumusunod sa mga Kautusan ng Diyos,” Liahona, Nob. 2015, 117)

  • Ano ang maaari ninyong gawin upang higit na matularan ang halimbawa ng pagsunod ng Panginoon? (Maaaring makatulong na bigyan ng oras ang mga estudyante upang pagnilayan at isulat ang kanilang mga naisip at nadama.)

Anyayahan ang mga estudyante na basahin ang 1 Nephi 2:20–21, at maaari mong ibahagi ang sumusunod na sitwasyon:

Nayayamot si Marcel sa pangako ng Aklat ni Mormon na uunlad ang mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos. Masigasig niyang sinusunod ang mga kautusan ngunit kakaunti pa rin ang kanyang pera at nahihirapan siyang bayaran ang kanyang mga bayarin buwan-buwan. Pakiramdam niya ay hindi siya gaanong umuunlad.

Anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang natutuhan nila sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda na makatutulong kay Marcel na mapalawak ang kanyang pagkaunawa tungkol sa iba’t ibang paraan kung paano maaaring mapaunlad at mapagpala ng Panginoon ang mga yaong sumusunod sa Kanyang mga kautusan.

  • Ano ang maibabahagi ninyo kay Marcel upang matulungan siyang mapalawak ang kanyang pagkaunawa tungkol sa iba’t ibang paraan kung paano tayo maaaring mapaunlad at mapagpala kapag sinusunod natin ang mga kautusan ng Diyos?

Upang mapalalim ang inyong talakayan, maaari mong idispley ang mga sumusunod na scripture passage at anyayahan ang mga estudyante na pumili ng isa o dalawa na pag-aaralan: 1 Nephi 3:7; 1 Nephi 17:3; 1 Nephi 20:18; 1 Nephi 22:31; Mosias 2:41; Alma 12:9–10; Alma 50:22–23; 3 Nephi 14:24–25.

Matapos pag-aralan ng mga estudyante ang mga pinili nilang banal na kasulatan, idispley ang sumusunod na di-kumpletong pahayag at ipabahagi sa mga estudyante kung paano nila ito kukumpletuhin: Kapag sinusunod ko ang mga kautusan ng Diyos, …

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Magpatotoo. Isipin ang papel na ginagampanan ng patotoo sa inyong klase. Palagi bang nagkakaroon ng pagkakataon ang iyong mga estudyante na magpatotoo kung paano nakaapekto ang mga katotohanan ng ebanghelyo ni Jesucristo sa kanilang mga buhay? Narinig at nadama na ba nila ang iyong patotoo tungkol sa ebanghelyo ng Panginoon? Ano pa ang maaari mong gawin upang makalikha ng klase kung saan ang pagpapatotoo ay karaniwan at likas na bahagi ng karanasan sa pag-aaral?

  • Kailan ninyo naranasan o ng isang kakilala ninyo ang alinman sa mga pagpapalang binanggit sa mga scripture passage na ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan ng Diyos? (Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na ibahagi kung ano ang natutuhan nila nang talakayin nila ang tanong na ito sa isang kaibigan o kapamilya bilang paghahanda para sa klase.)

Ang mga kabataang mandirigma ay sumunod nang lubusan o nang may kahustuhan.

Maaari mong idispley ang kalakip na larawan at anyayahan ang isang estudyante na isalaysay ang kuwento ng mga kabataang mandirigma (tingnan sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda).

Larawan
Dalawang Libong Kabataang Mandirigma, ni Arnold Friberg

Anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang Alma 57:21, 27; 58:40 at alamin kung ano ang itinuturo sa atin ng mga scripture passage na ito tungkol sa pagsunod. Isipin kung alin sa mga sumusunod ang maaari mong itanong upang lubos na matulungan ang iyong mga estudyante na matuklasan kung ano ang kailangan nilang matutuhan mula sa halimbawa ng mga kabataang mandirigma.

  • Ano ang maaari nating matutuhan tungkol sa pagsunod mula sa karanasan ng mga kabataang mandirigma? (Maaaring matukoy ng mga estudyante ang katotohanang tulad ng sumusunod: Kapag sinisikap nating sundin nang lubusan ang mga utos ng Diyos at patuloy na magtiwala sa Kanya, pagpapalain Niya tayo.)

  • Sa inyong palagay, ano ang ibig sabihin ng magsikap na sumunod nang lubusan? Paano naiiba ang lubos na pagsunod sa kaswal na pagsunod? (Maaari ninyong rebyuhin ang pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda. Batay sa inyong talakayan, maaari mo ring ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Nelson: “Ang pagsunod ay nagdudulot ng tagumpay; ang lubos na pagsunod ay nagdudulot ng mga himala” [sa R. Scott Lloyd, “Elder Nelson Delivers Spiritual Thanksgiving Feast to MTCs,” Church News, Dis. 4, 2013, ChurchofJesusChrist.org].)

  • Anong turo o kautusan ang kailangan ninyong sundin nang mas lubusan? (Anyayahan ang mga estudyante na tahimik na pagnilayan ang tanong na ito at magsulat ng isang plano tungkol sa kung ano ang maaari nilang gawin upang magawa ang pagbabagong ito.)

  • Bakit mahalagang umasa sa nagbibigay-kakayahang kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas habang nagsisikap tayong sundin nang lubusan ang mga kautusan ng Diyos? (Maaaring makatulong na rebyuhin ang pangalawang pahayag ni Elder David A. Bednar sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda.) Kailan ninyo nadama na tinutulungan kayo ng nagbibigay-kakayahang kapangyarihan ng Tagapagligtas na maging mas masunurin sa mga kautusan ng Diyos?

Upang matulungan ang mga estudyante na masuri ang natutuhan nila tungkol sa pagsunod, maaari mong talakayin ang sumusunod na sitwasyon:

Sina Maria at Francesco ay nagkasundong magpakasal kamakailan at nagtakda ng petsa para sa kanilang kasal. Ngayong nagkasundo na silang magpakasal, naging mas kaswal sila sa pagsunod sa batas ng kalinisang-puri. Pinangatwiranan nila na “walang masama rito” dahil mahal nila ang isa’t isa at nagkasundo na silang magpakasal.

  • Batay sa natutuhan ninyo tungkol sa pagsunod sa mga kautusan ng Diyos, ano ang payo na ibibigay ninyo kina Maria at Francesco?

  • Paano mapagpapala, mapapatnubayan, at mapoprotektahan ng lubos na pagsunod sina Maria at Francesco habang naghahanda sila para sa kanilang nalalapit na kasal?

Para sa Susunod

Ipaliwanag na sa susunod na klase, malalaman natin ang tungkol sa pagkaalipin ng mga tao ni Limhi at ng mga tao ni Alma. Hikayatin ang mga estudyante na kumpletuhin ang materyal sa paghahanda para sa susunod na klase at alamin kung paanong ang kaligtasan ng mga taong ito ay naging posible lamang nang ibigay nila ang kanilang buong tiwala sa Panginoon.