Mga Tulong sa Pag-aaral
Enoc


Enoc

Isang propetang namuno sa mga tao ng lunsod ng Sion. Kapwa tinalakay sa Lumang Tipan at sa Mahalagang Perlas ang kanyang paglilingkod. Siya ang ikapitong patriyarka pagkatapos ni Adan. Siya ay anak ni Jared at ang ama ni Matusalem (Gen. 5:18–24; Lu. 3:37).

Si Enoc ay isang taong dakila at marami pang mahahalagang paglilingkod ang nagawa kaysa sa maikling ulat ng Biblia hinggil sa kanya. Nakatala sa Biblia na siya ay nagbagong-kalagayan (Heb. 11:5) subalit hindi nagbigay ng mga detalye sa kanyang paglilingkod. Naglalaman ang Judas 1:14 ng isang sipi ng isang propesiyang kanyang ginawa. Higit pang ipinaliliwanag ng paghahayag sa huling araw ang tungkol kay Enoc, lalung-lalo na ang tungkol sa kanyang pangangaral, ang kanyang lunsod na tinawag na Sion, ang kanyang mga pangitain, at ang kanyang mga propesiya (D at T 107:48–57; Moi. 6–7). Dinala sa langit ang Sion dahil sa kabutihan ng mga yaong naninirahan dito (Moi. 7:69).