Mga Tulong sa Pag-aaral
Batas


Batas

Ang mga kautusan o patakaran ng Diyos na kung saan ang lahat ng pagpapala at kaparusahan ay nababatay kapwa sa langit at sa lupa. Yaong mga sumusunod sa mga batas ng Diyos ay nakatatanggap ng mga ipinangakong pagpapala. Itinuro ng Propetang si Joseph Smith na dapat ding sundin, igalang at tanggapin ng mga tao ang mga batas ng lupain (S ng P 1:12).

Ang mga batas ni Moises ay isang panimulang batas na magdadala sa mga kalalakihan at kababaihan kay Cristo. Ito ay isang batas ng mga pagbabawal, tagubilin, at ordenansa. Ngayon, ang batas ni Cristo na tumupad sa mga batas ni Moises, ang kabuuan ng ebanghelyo o “ang ganap na batas ng kalayaan” (Sant. 1:25).