Mga Tulong sa Pag-aaral
Filemon, Sulat Kay


Filemon, Sulat Kay

Isang aklat sa Bagong Tipan, na hinango mula sa isang liham na isinulat ni Pablo. Ang liham ni Pablo kay Filemon ay isang personal na liham tungkol kay Onesimo, isang alipin na nagnakaw sa kanyang panginoon, si Filemon, na tumakas patungo sa Roma. Pinabalik siya ni Pablo sa kanyang panginoon sa Colossae na kasama si Tychicus, ang taga-dala ng liham ni Pablo sa mga taga-Colosas. Hiniling ni Pablo na si Onesimo ay patawarin at tanggapin siyang muli bilang kasamang Cristiyano. Isinulat ni Pablo ang liham na ito habang siya ay nasa bilangguan sa Roma sa kauna-unahang pagkakataon