2013
Pinapayapa ni Jesus ang Bagyo
Setyembre 2013


Para sa Maliliit na Bata

Pinapayapa ni Jesus ang Bagyo

Isang araw habang naglalayag si Jesus at ang Kanyang mga disipulo sakay ng isang barko, nagkaroon ng malakas na bagyo.

Sumalpok ang mga alon. Umihip ang hangin. Natakot ang mga disipulo na baka lumubog ang barko.

Hinanap ng mga disipulo si Jesus. Nakita nila Siyang natutulog. “Iligtas mo kami!” sigaw nila.

“Bakit kayo’y nangatatakot?” tanong ni Jesus.

Nagbangon si Jesus at inutusang tumigil ang bagyo. Nakita ng mga disipulo nang tumigil ang pagsalpok ng mga alon at pag-ihip ng hangin. Natapos na ang bagyo, tulad ng iniutos ni Jesus na mangyari.

Kung minsan kapag nangyayari ang nakakatakot na mga bagay, natatakot tayo. Pero nariyan lang si Jesus. Ang pag-iisip tungkol sa Kanya ay makakatulong para madama nating ligtas at panatag tayo.

Mga paglalarawan ni Scott Peck