2018
Sina Adan at Eva
February 2018


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Sina Adan at Eva

Larawan
adam and eve 1
Larawan
adam and eve 2
Larawan
adam and eve 3

Nilikha ng Ama sa Langit at ni Jesus ang mundo. Nilikha nila ang lupa, dagat, araw, at mga bituin. Nilikha nila ang mga halaman at mga hayop. Pagkatapos ay naging handa ang mundo para sa mga anak ng Ama sa Langit. Sino kaya ang unang ipapadala Niya sa mundo upang manahan?

Sina Adan at Eva!

Inilagay sila ng Ama sa Langit sa Halamanan ng Eden. Lahat ng kinailangan nilang pagkain ay nasa hardin. Hindi nila kinailangang magtrabaho. Hindi sila nagkasakit.

Sinabi ng Ama sa Langit kay Adan at Eva na kung kakainin nila ang bunga ng isa sa mga puno, mapapaalis sila sa Eden. Tinukso ni Satanas si Eva na kainin ang bunga, at ginawa nga niya. Ganoon din si Adan.

Ang pagpili nilang umalis sa Eden ay bahagi ng plano ng Ama sa Langit.

Matapos silang umalis sa Eden, sina Adan at Eva ay natutong manalangin, magsisi, at manampalataya kay Jesus. Naging mga magulang sila at itinuro sa kanilang mga anak ang ebanghelyo. Ang buhay sa labas ng Eden ay mas mahirap, ngunit natuto sila ng mahahalaga at bagong mga bagay. Naging masaya sila.

Katulad ako nina Adan at Eva. Pinili kong pumarito sa mundo upang matuto, umunlad, at maging mas katulad ng aking mga Magulang sa Langit.