2018
Bakit Tayo May mga Miting sa Korum at Relief Society?
May 2018


Bakit Tayo May mga Miting sa Korum at Relief Society?

Sa mga huling araw na ito, ipinanumbalik ng Diyos ang priesthood at inorganisa ang mga korum ng priesthood at Relief Society upang makatulong sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng kaligtasan. Dahil dito, bawat Linggo kapag nagtitipon tayo sa mga miting ng elders quorum at Relief Society, tinatalakay at pinaplano natin kung ano ang gagawin natin upang makatulong sa pagsasakatuparan ng gawain ng Diyos. Para maging epektibo, ang mga miting na ito ay dapat maging higit pa sa isang klase lamang. Ang mga ito ay mga oportunidad upang magsanggunian tungkol sa gawain ng kaligtasan, sama-samang matutuhan ang tungkol sa gawaing iyon mula sa mga turo ng mga lider ng Simbahan, at magplano at ayusin ang ating sarili upang maisakatuparan ito.