2018
Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya
May 2018


Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya

Ang sumusunod ay listahan ng mga piling karanasan na ikinuwento noong pangkalahatang kumperensya. Ang numero ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.

Tagapagsalita

Kuwento

Reyna I. Aburto

(78) Ang mga Banal sa mga Huling Araw sa Chile, Peru, Mexico, at Estados Unidos ay nagbigay ng tulong matapos ang mga kalamidad.

Neil L. Andersen

(24) Binasa ni Kathy Andersen ang nakaraang mga mensahe ni Pangulong Russell M. Nelson sa pangkalahatang kumperensya at nagdasal na nagkaroon ng mas matibay na katiyakan sa kanyang papel bilang propeta.

M. Russell Ballard

(9) Nang makita niya kung gaano kaliit ang buto ng mustasa sa Jerusalem, naalala ni M. Russell Ballard ang mga turo ng Tagapgligtas sa pananampalataya.

David A. Bednar

(30) Tinanggap nina Russell M. Nelson at Henry B. Eyring ang paanyaya ni Pangulong Thomas S. Monson na pag-aralan ang Aklat ni Mormon at ipamuhay ang mga katotohanan nito.

Jean B. Bingham

(104) Isang Relief Society sister ang nagminister sa isang “nalulumbay at nag-iisang” bagong ina. Isang kapatid na babae mula sa Africa ang nagminister sa isa pang kapatid na babae na binugbog at ninakawan. Nangalaga ang mga miyembro ng ward sa isang kapatid na babaeng may kanser. Ang mga kabataang babae ay gumawa upang punan ang pangangailangan ng isang kapitbahay.

Gérald Caussé

(111) Bago aprubahan ang pagtatayo ng Paris France Temple, dumalo sa isang sacrament meeting ang mga lokal na miyembro ng konseho ng lungsod. Bilang isang stake president, nagalak si Gérald Caussé sa dagdag na katapatan at pananampalataya ng mga miyembro sa Tagapagligtas. Sinabi ni Gérald Caussé sa isang kaibigan na ang bawat pamilya ay nangangailangan ng isang mayhawak ng priesthood sa bawat tahanan.

D. Todd Christofferson

(55) Nag-ani ang mga miyembro ng elders quorum ng mga pananim ng isang magsasaka matapos mamatay ang ilan sa kanyang mga kamag-anak dahil sa influenza.

Quentin L. Cook

(114) Ang mga banal na pagpapahayag ay pinuno ang mga miyembro ng kaligayahan sa paglaan sa Kirtland Temple. Nakararamdam ng pagmamahal at kapayapaan si Quentin L. Cook sa Oakland California Temple.

Massimo De Feo

(81) Sinabi ng anak ni Massimo De Feo sa kanyang mga kamag-aral na ang kanyang ama ay “pinuno ng sansinukob.” Ipinakita ng malapit nang mamatay na ina ni Massimo De Feo na higit na mahal siya nito kaysa sa kanyang sarili.

Devin G. Durrant

(42) Isang palaro sa family home evening ang nagpalakas ng kumpiyansa sa sarili ni Devin G. Durrant. Ang pamilya Durrant ay nagpakuha ng retrato sa labas ng templo.

Larry J. Echo Hawk

(15) Inalo ng pamilya Echo Hawk ang mga magulang ng isang lasing na drayber na nakapatay sa kapatid na lalaki at hipag ni Larry J. Echo Hawk.

Henry B. Eyring

(61) Nagkaibigan ang lolo at lola ni Henry B. Eyring habang tumatawid sa kapatagan. Naintindihan ng isang kabataang lalaki ang magagawa ng mga mayhawak ng priesthood sa paglilingkod sa Panginoon. Naglingkod sa isang pamilyang may matinding pangangailangan ang isang inspiradong home teacher.

(86) Nang mamatay ang ina ni Henry B. Eyring, nakatanggap ang kanyang ama ng alo mula sa Espiritu Santo.

Taylor G. Godoy

(34) Ang pagkamatay ng anak na lalaki ng isang kaibigan ay nag-udyok kay Taylor G. Godoy na gamitin ang “isa pang araw” nang mas makabuluhan. Isang kapatid na babae mula sa Peru ay sineryoso ang kanyang mga tipan matapos magsakripisyo upang makapunta sa templo. Ninais ni Taylor G. Godoy na maging pinakamahusay na estudyante matapos magsakripisyo ng kanyang ina para sa kanyang araling dental.

Gerrit W. Gong

(97) Kinukuwentuhan at kinakantahan ni Gerrit W. Gong ang kanyang mga anak na lalaki para makatulog ang mga ito.

Jeffrey R. Holland

(101) Isang kapatid na lalaki na may asawang biglang nagkasakit ay awtomatikong napatawag sa kanyang home teacher para humingi ng tulong.

Douglas D. Holmes

(50) Nagbahagi ang mga mayhawak ng Aaronic priesthood ng kanilang patotoo sa kanilang mga kaibigan. Naunawaan ng mga miyembro ng priests quorum ang kahulugan ng “ naatasan ni Jesucristo.”

Russell M. Nelson

(68) Nakaligtaan ng mga mayhawak ng priesthood na magbigay ng totoong pagpapala sa mga kamag-anak o mga kapatid na babaeng may bagong tungkulin. Tinulungan ni Russell M. Nelson ang isang lalaki na makabalik sa Simbahan.

(93) Noong bata pa si Russell M. Nelson gustung-gusto niyang matuto tungkol sa ebanghelyo at lubos ninais na mabuklod sa kanyang mga magulang. Binasag ng batang Russell M. Nelson ang mga bote ng alak dahil nais niyang sundin ng kanyang mga magulang ang Word of Wisdom.

Dallin H. Oaks

(65) Pinayuhan ng isang pangulo ng elders quorum ang isang miyembro ng korum na huwag tumigil sa pag-aaral sa kolehiyo.

Bonnie L. Oscarson

(36) Noong dalagita pa si Bonnie L. Oscarson, naatasan siyang gawin ang mga tungkulin na kadalasan ay ginagawa ng matatanda.

Dale G. Renlund

(46) Ang pagmamahal ni Parley at Orson Pratt para sa kanilang mga ninuno ay tinulungan silang ayusin ang kanilang relasyon. Tinulungan ng mga biyaya ng templo na maghilom ang isang pamilya na may anak na ibinigay ang kanyang puso nang siya ay mamatay.

Lynn G. Robbins

(21) Hinikayat ng isang propesor ni Lynn G. Robbins sa kolehiyo ang mga estudyante na pumulot ng aral mula sa kabiguan at pagkatapos ay magpatuloy.

Ulisses Soares

(98) Nakatanggap ng visa nang mabilis si Ulisses Soares at ang kanyang asawa matapos magpakita ng pananampalataya na gagawa ng himala ang Panginoon para sa kanila.

Gary E. Stevenson

(17) Nakatanggap si Gary E. Stevenson ng patotoo sa humahaliling mga propeta matapos mamatay ni Pangulong David O. McKay. Pinuri ng isang dating estudyante ang estilo sa pagtuturo ni Dr. Russell M. Nelson.

Brian K. Taylor

(12) Natatandaan ni Brian K. Taylor ang mapagpasensiya niyang mga guro sa Primary. Matapos ang isang aksidente sa sasakyan dahil sa kanya, nakahanap ang isang kabataang babae ng kapayapaan sa pagkakaalam na siya ay anak ng Diyos.

Taniela B. Wakolo

(39) Matapos dumalo sa simbahan sa loob ng 39 na taon, nabinyagan at nakumpirma ang isang lalaki at kalaunan ay nabuklod sa kanyang asawa sa templo.

Larry Y. Wilson

(75) Sa pamamagitan ng pagsunod sa espirituwal na pag-uudyok, tumulong ang isang LDS chaplain na magligtas ng isang barko at mga crew nito mula sa isang bagyo.

Claudio D. Zivic

(83) “Magtiis at ikaw ay magtatagumpay,” sinabi ni Pangulong Thomas S. Monson kay Claudio D. Zivic at sa kanyang asawa. Dahil sa isang bitak sa kayak ni Claudio D. Zivic, ang kayak ay naging imposibleng kontrolin.