2019
Pananampalataya
Enero 2019


Pananampalataya

May pananalig = 80–92

Larawan
Faith

1. Pananampalataya’y pag-alam na sisikat ang araw, nagpapaliwanag sa bawat bagong araw.

Pananampalataya’y pag-alam na naririnig ng Panginoon ang aking mga dasal sa bawat panalangin ko.

Pananampalataya’y tulad ng maliit na binhi:

Kapag ‘tinanim, lalago ito.

Pananampalataya’y pag-alab sa loob ng aking puso.

Kapag gumawa ako ng tama, alam ko.

2. Pananampalataya’y pag-alam na nanirahan ako kasama ng Diyos bago ako isilang.

Pananampalataya’y pag-alam na makababalik ako kapag nilisan ko na ang mundo.

Pananampalataya’y pagtitiwala sa Diyos sa langit;

Kay Cristo, na ipinakita ang daan.

Pananampalataya’y pinalalakas; nadarama kong lumalago ito

Kapag sumusunod ako.