2019
Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya
Mayo 2019


Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya

Ang sumusunod na listahan ng mga piling karanasan na ikinuwento sa pangkalahatang kumperensya ay maaaring gamitin sa personal na pag-aaral, family home evening, at iba pang pagtuturo. Ang numero ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.

Neil L. Andersen(34) Nanatiling tapat sa kanyang mga tipan ang isang lalaking naaakit sa kapareho niya ng kasarian. Nagtuon sa paglilingkod ang isang babaeng hindi ikinasal kailanman.

D. Todd Christofferson(81) Ipinakita kay Pangulong Russell M. Nelson ng mga kabataan sa Italy ang mga temple card na inihanda para sa kanilang mga ninuno.

Carl B. Cook(51) Napagpala ng isang “Pangkat ng Magkakapatid” na pinalakas at tinulungan ang isa’t isa na magbalik-loob sa Botswana ang maraming buhay sa pamamagitan ng paglilingkod bilang missionary. Sinuportahan at pinagpala ng mga korum sa priesthood ang batang si Carl B. Cook.

Quentin L. Cook(76) Isang paanyaya mula kay Pangulong Gordon B. Hinckley ang nakatulong sa pagpapabinyag ng ama ni Elder O. Vincent Haleck.

Becky Craven(9) Inireklamo ng isang saksi na hindi sinubukan ng train engineer na iiwas ang kanyang tren bago ito bumunggo sa kotse na nasa riles.

Sharon Eubank(73) Ang mga ilaw sa gabi ay hindi sumindi sa Salt Lake Temple. Isang panaginip ang nagbigay kay Sharon Eubank ng hangaring palakasin ang kanyang pananampalataya.

Gerrit W. Gong(97) Pagkatapos maawa sa isang magnanakaw, nagsimulang maunawaan ng kaibigan ni Gerrit W. Gong si Jesucristo at ang Kanyang Pagbabayad-sala.

Brook P. Hales(11) Natutuhan ng dalawang anak na lalaki ni Brook P. Hales na ang Diyos, sa pagsagot sa mga panalangin, ay nalalaman ang wakas mula sa simula. “Lilipas din ito” ang naging motto ng isang matapat na babae na tinanggap ang kanyang pagkabulag.

Mathias Held(31) Sumapi sina Mathias at Irene Held sa Simbahan pagkatapos malaman ang katotohanan sa pamamagitan ng pag-aaral at ng Espiritu.

David P. Homer(41) Habang nakasakay sa isang maliit na eroplano, natutuhan ni David P. Homer ang kahalagahan ng pakikinig sa tamang tinig. Nalaman ni David P. Homer at ng kanyang asawa na maaaring matagal dumating ang mga sagot sa panalangin. Nagtiis hanggang sa wakas ang kapatid ni David P. Homer sa kabila ng mga hirap na naranasan nito.

Kyle S. McKay(105) Pinanatag at tinulungan ng Dakilang Tagapagligtas ang isang babaeng may problema sa adiksyon sa droga at ang isang ina na namatayan ng anak sa isang aksidente.

Russell M. Nelson(67) Ang isang ina at kanyang mga anak na babae ay nakikipagkumpetensya sa mga sport at laro para sa atensyon ng mga lalaki sa kanilang pamilya.

(88) Nag-usap sina Russell M. Nelson at ang kanyang anak na si Wendy “tungkol sa mga bagay na pinakamahalaga” sa kanilang “usapang mag-ama para mamaalam.” Isang pulis na tinutulungan ang mga tao na makaligtas mula sa mapaminsalang sunog ang nangamba at nagtanong, “Nasaan ang aking pamilya?” Tumangging magbago ang isang kaibigan ni Russell M. Nelson para maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng ebanghelyo.

Dallin H. Oaks(60) Pinanood ng mga estudyante sa kolehiyo ang isang aso na dahan-dahang lumalapit sa isang squirrel at hindi inisip, “Saan ito hahantong?” Nabago ang nadama tungkol sa kasal sa templo at sa ebanghelyo ng isang magkasintahang taga Colombia na nagbiyahe sa bus nang limang araw at limang gabi para ikasal sa templo.

Dale G. Renlund(70) Nakatulong ang “unang di-bihasang pagdarasal” sa isang di-gaanong aktibong miyembro na madama ang impresyon sa simbahan na “ito ay Aking bahay.”

Ulisses Soares(6) Itinimo ng isang single mother ang mga pagpapala ng ebanghelyo sa puso ng kanyang mga anak.

Gary E. Stevenson(47) Noong siya ay nasa high school at isang priest, tumanggi ang isang magiging Apostol na manood ng hindi angkop na pelikula, na nagpalakas sa loob ng isang kaibigan.

Juan Pablo Villar(95) Pagkatapos gugulin ang isang araw sa pagpo-proselyte kasama ang kanyang kapatid na missionary, nagpasiya si Juan Pablo Villar na magpabinyag at magmisyon.

Takashi Wada(38) Sumapi sa Simbahan ang ina ni Takashi Wada pagkatapos antigin ng Panginoon ang kanyang puso sa pamamagitan ng kabaitan ng isang batang lalaki.

W. Christopher Waddell(19) Salamat sa ministering na ginawa ng pamilya at mga kaibigan, muling tinanggap ng kapatid ni W. Christopher Waddell ang ebanghelyo bago siya namatay.