2019
Elder James R. Rasband
Mayo 2019


Elder James R. Rasband

General Authority Seventy

Larawan
Elder James R. Rasband

Nang tawagin si Elder James R. Rasband sa stake presidency ilang taon na ang nakalilipas, nadama niyang hindi siya handa. “Isa itong pagkakamali,” naisip niya.

Ganito rin ang nadama niya bilang isang 19-na-taong-gulang na papasok sa Provo Missionary Training Center bilang paghahanda sa kanyang full-time mission sa Seoul, South Korea. “Paano ko gagawin ito?” tanong niya.

Sa dalawang pagkakataong ito, ang sagot ay pareho: “Ipagpatuloy ito. Dumarating ang kagalakan.” O, sa mga salita ng kanyang ina, “Ang Panginoon ay walang makukuhang perpektong mga tao. Basta magtrabaho ka lang.”

Nadarama ngayon ni Elder Rasband ang ganitong pag-aatubili sa pagtupad niya ng kanyang bagong tungkulin bilang General Authority Seventy, pero alam niya ang sagot: “Inaasahan lamang sa atin ng ating Ama sa Langit na magtrabaho tayo at ibahagi ang nakapagpapagaling at nakagagalak na mensahe ng Kanyang Anak at ng Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo.”

Si James Richard Rasband ay ipinanganak sa Seattle, Washington, USA noong Marso 20, 1963 sa kanyang mga magulang na sina James E. at Ester Rasband. Lumaki siya sa Pebble Beach, California, USA, sa isang tahanan na humigit kumulang 200 yarda mula sa baybayin ng dagat.

Nakilala ni Elder Rasband si Mary Diane Williams bilang isang freshman sa Brigham Young University. Nagsulatan sila habang nag-aaral siya sa ibang bansa sa loob ng limang buwan sa Israel at pagkatapos ay sa buong paglilingkod niya sa Korea Seoul Mission. Ikinasal sila sa Los Angeles California Temple noong Agosto 11, 1984. Apat ang anak nila.

Pagkatapos ng kanyang misyon, tinapos niya ang kanyang bachelor’s degree sa English at Near Eastern studies sa BYU noong 1986 at pagkatapos ay nagkamit ng juris doctor degree mula sa Harvard Law School noong 1989. Pagkatapos magtrabaho bilang isang abogado sa Seattle, bumalik siya sa BYU noong 1995 para magturo sa J. Reuben Clark Law School. Naglingkod siya bilang dean ng law school mula 2009 hanggang 2016, kung kailan siya ay naging academic vice president ng BYU.

Si Elder Rasband ay nakapaglingkod bilang Area Seventy, stake president, tagapayo sa stake presidency, high councilor, bishop, at ward Young Men president.