2021
Kampo ng Sion—Paghahanda sa Paglilingkod sa Panginoon
Setyembre 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Kampo ng Sion—Paghahanda sa Paglilingkod sa Panginoon

Doktrina at mga Tipan 102–105

Larawan
article on Zion’s Camp

Matapos maglakbay nang daan-daang kilometro ang grupo ng mga miyembro ng Simbahan na kilala bilang Kampo ng Sion upang tulungan ang kapwa nilang mga Banal sa mga Huling Araw, sinabi ng Panginoon kay Joseph Smith na buwagin ang grupo, kahit inakala nilang hindi nila natupad ang kanilang mithiin. Dahil dito, sinabi ng ilan na nabigo ang Kampo ng Sion, ngunit nagpatotoo ang mga kabilang dito na ang kanilang mga karanasan ay naghanda sa kanila sa paglilingkod sa Panginoon sa hinaharap.

Sa kanilang mahabang paglalakbay, ilan sa mga miyembro ng kampo ang nagreklamo at nagsalita laban kay Propetang Joseph, ngunit ang iba ay tapat sa kanya at natutong magtiis at sumunod.

  • Pebrero 1834: Tumanggap si Joseph Smith ng paghahayag na maghanap ng mga 100 katao na maglalakbay patungong Missouri at tutulong sa mga Banal na mabawi ang kanilang lupain sa Jackson County.

  • Ang 2 grupong naglakbay sa magkaibang ruta ay nagkita noong Hunyo.

  • Mga 207 kalalakihan at 25 kababaihan at mga bata ang nakilahok.

  • Naglakbay sila sa pagitan ng 20–40 milya (32 hanggang 64 km) sa bawat araw.

  • Karamihan ay naglakbay nang mahigit 900 milya (1,450 km) sa 4 na estado.

  • 13 Banal ang namatay sa biglaang paglaganap ng kolera sa kampo.

  • 8 sa unang 12 Apostol sa mga huling araw ang naglingkod sa kampong ito.

  • Lahat ng unang Pitumpu sa mga huling araw ay mga miyembro ng kampo.

  • Hunyo 1834: Tumanggap si Propetang Joseph ng paghahayag na tinanggap na ang handog ng mga miyembro ng kampo, at naghiwa-hiwalay na sila.

Talakayan

Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng tubusin ang Sion? (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 103:15).