2021
Guatemala City, Guatemala
Disyembre 2021


Narito ang Simbahan

Guatemala City,Guatemala

Larawan
Guatemala City

Mga larawang kuha ni Melanie Meza

Hindi magtatagal ay magkakaroon na ng tatlong templo sa Guatemala: Guatemala City, Quetzaltenango, at Cobán. Ang Simbahan sa Guatemala ay lumago nang tuluyan simula nang dumating ang mga missionary noong 1947. Ngayon, ang bansa ay may:

  • 281,500 mga miyembro (humigit-kumulang)

  • 51 stake

  • 7 mission

Makabuluhang Libangan

Larawan
Father and son playing football

“Kapag sinabi ng anak kong, ‘Puwede po ba tayong maglaro?’ ginagawa ko ang lahat para pag-ukulan siya ng oras,” sabi ni José Lopez ng Guatemala City. “Mas pinaglalapit ng mga makabuluhang paglilibang ang aming pamilya, tulad ng sabi sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak.”