2023
Matagpuan ang Ating Sarili sa Daan Patungong Jerico
Abril 2023


“Matagpuan ang Ating Sarili sa Daan Patungong Jerico,” Liahona, Abr. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Lucas 10:25–37

Matagpuan ang Ating Sarili sa Daan Patungong Jerico

Larawan
lalaking tumutulong sa isang sugatang lalaki

The Good Samaritan [Ang Mabuting Samaritano], ni Walter Rane

Ang pagtingin nang mas maigi sa ilang posibleng simbolo sa talinghaga ng mabuting Samaritano ay nagpapakita sa atin kung paano maiaangkop sa atin ngayon ang kuwento. (Ang mga interpretasyon ay mula kay John W. Welch, “Ang Mabuting Samaritano: Limot nang mga Simbolo,” Liahona, Peb. 2007, 26–33.)

Ang Manlalakbay

Tayo

Naglalakbay mula Jerusalem patungong Jerico

Paglalakbay mula sa premortal na buhay patungo sa lupa

Nakatakda sa mga magnanakaw

Saklaw ng kasalanan at kamatayan

Iniwang “halos patay” ng mga tulisan

Patay sa espirituwal kung wala si Cristo

Ang Samaritano

Ang Tagapagligtas

Nahabag sa manlalakbay

Nahahabag sa atin

Tinalian ang mga sugat ng manlalakbay

Tinatalian ang ating mga espirituwal na sugat

Binuhusan ng langis at alak ang mga sugat ng manlalakbay

Binibigyan tayo ng mga ordenansa at tipan

Dinala ang manlalakbay sa bahay-panuluyan

Dinadala tayo sa Kanyang Simbahan

Nangakong babalik at babayaran ang utang ng manlalakbay

Nangangakong babalik at babayaran ang halaga ng ating mga kasalanan

Ang Bahay-Panuluyan

Simbahan ni Cristo

Inalagaan ang manlalakbay hanggang sa bumalik ang Samaritano

Inaalagaan at inihahanda tayo para sa Ikalawang Pagparito

Lugar ng kaligtasan para sa manlalakbay

Lugar ng espirituwal na kaligtasan para sa atin