Institute
Microtraining 7: Paano Maghikayat ng Pananampalataya kay Jesucristo sa Pamamagitan ng Pagbabahagi ng Patotoo


“Microtraining 7: Paano Maghikayat ng Pananampalataya kay Jesucristo sa Pamamagitan ng Pagbabahagi ng Patotoo,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo (2022)

“Paano Maghikayat ng Pananampalataya kay Jesucristo sa Pamamagitan ng Pagbabahagi ng Patotoo,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo

Microtraining 7

Paano Maghikayat ng Pananampalataya kay Jesucristo sa Pamamagitan ng Pagbabahagi ng Patotoo

Ipaliwanag

Ipaliwanag na kapag nagpapatotoo tayo, inaanyayahan natin ang presensya ng Espiritu Santo at inilalapit ang iba kay Jesucristo. Ipakita ang mga sumusunod na pahayag nina Pangulong M. Russell Ballard at Elder Gary E. Stevenson ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Larawan
Pangulong M. Russell Ballard

Sa madaling salita, ang patotoo—tunay na patotoo, na dulot ng Espiritu at pinagtibay ng Espiritu Santo—ay nagpapabago ng buhay. (M. Russell Ballard, “Dalisay na Patotoo,” Ensign o Liahona, Nob. 2004, 40)

Larawan
Elder Gary E. Stevenson

Kapag ibinabahagi natin ang ating espirituwal na kaalaman o espirituwal na patotoo sa iba, tayo ay “nagpapatotoo.” Gayundin, kapag napansin ng iba ang ating matwid na pag-uugali, kilos, o gawa, ito rin ay isang paraan na “nagpapatotoo tayo.” Ang ating pagpapatotoo sa salita o gawa ay isang paraan ng pagbabahagi sa iba ng malilinaw at mahahalagang katotohanan ng ebanghelyo. Ito ay isang paanyaya sa iba na “lumapit kay Cristo.” … Marami ang mga pagkakataong magpatotoo sa lahat ng dako. (Gary E. Stevenson, “Testimony: Sharing in Word and Deed,” New Era, Mar. 2019, 4, 5)

Ibigay ang sumusunod na handout sa mga estudyante.

Pagbabahagi ng Iyong Patotoo Nang Simple at Natural

Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo—Microtraining 7: Paano Maghikayat ng Pananampalataya kay Jesucristo sa Pamamagitan ng Pagbabahagi ng Patotoo

Panatilihin itong simple. Ang isang patotoo ay hindi kailangang magsimula sa katagang “Nais kong magpatotoo,” at hindi ito kailangang magtapos sa, “Sa pangalan ni Jesucristo, amen.” Ang patotoo ay pagpapahayag ng ating pinaniniwalaan at alam na totoo sa pamamagitan ng pagsaksi ng Espiritu Santo.

Itugma sa daloy ng karaniwang pakikipag-usap. Kung handa tayong magbahagi, may mga pagkakataon sa ating paligid para magpatotoo sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap. Kapag may nagtanong kung bakit hindi ka umiinom ng alak, halimbawa, maaari mong ibahagi kung paano napagpala ang iyong buhay ng pagsasabuhay ng Word of Wisdom.

Ibahagi ang iyong mga karanasan. Madalas nating pag-usapan ang tungkol sa ating mga problema. Kapag may nagsabi sa iyo ng tungkol sa pinagdaraanan nila, maaari kang magbahagi ng isang panahon na tinulungan ka ng Diyos sa iyong mga pagsubok at magpatotoo na alam mong matutulungan din Niya sila.

Manatiling nakatuon kay Jesucristo at sa Kanyang doktrina. Binigyang-diin ni Pangulong M. Russell Ballard na “hindi mapipigilan ang Espiritu kapag dalisay ang patotoo kay Jesucristo” (“Dalisay na Patotoo,” Ensign o Liahona, Nob. 2004, 41; tingnan din sa “Paano Ibahagi ang Patotoo sa Mas Natural na Paraan,” Ensign, Mar. 2019, 8–11).

Pagbabahagi ng Iyong Patotoo Nang Simple at Natural

Larawan
handout ng titser

Ipakita

Panoorin o basahin ang unang bahagi ng mensahe ni Sister Sheri Dew na “Will You Engage in the Wrestle?” ([Brigham Young University–Idaho devotional, May 17, 2016], byui.edu; time code 0:50–4:25). Sabihin sa mga estudyante na tingnan kung paano ibinagi ni Sister Dew ang kanyang patotoo sa simple at natural na paraan. Pagkatapos panoorin ang video, anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi nang bahagya ang natutuhan nila mula sa halimbawa ni Sister Dew.

Isagawa

Anyayahan ang mga estudyante na makipagtulungan sa isang kapartner at gamitin ang mga alituntunin sa handout na “Pagbabahagi ng Iyong Patotoo Nang Simple at Natural” sa pagtugon sa mga sumusunod na sitwasyon (o pumili ng mga sitwasyon na pinaniniwalaan mong mas may kaugnayan sa iyong mga estudyante):

  • Itinanong ng isang katrabaho kung ano ang ginawa mo sa katapusan ng linggo. Sumagot ka …

  • Ikinuwento ng isang kaibigan na namatayan sila ng isang kapamilya sa isang aksidente noong nakaraang linggo. Sumagot ka …

  • Itinanong ng isang kamag-anak, “Bakit lagi kang positibo sa buhay?” Sumagot ka …

  • Nagtataka ang isang katrabaho kung bakit handa kang umalis sa iyong trabaho para magmisyon sa sarili mong gastos. Sumagot ka …

Kung may oras pa pagkatapos ng aktibidad na itoo, anyayahan ang isa o dalawang estudyante na ibahagi ang natutuhan nila mula sa karanasang ito at kung paano nila magagamit ang kasanayang ito ng pagbabahagi ng kanilang patotoo nang simple at makapangyarihan sa isang darating na sitwasyon.