Institute
Microtraining 8: Paano Aanyayahan ang Iba na Kumilos nang may Pananampalataya Kapag Nahihirapan Sila sa Mahihirap na Tanong o Pag-aalinlangan


“Microtraining 8: Paano Aanyayahan ang Iba na Kumilos nang may Pananampalataya Kapag Nahihirapan Sila sa Mahihirap na Tanong o Pag-aalinlangan,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo (2022)

“Paano Aanyayahan ang Iba na Kumilos nang may Pananampalataya Kapag Nahihirapan Sila sa Mahihirap na Tanong o Pag-aalinlangan,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo

Microtraining 8

Paano Aanyayahan ang Iba na Kumilos nang may Pananampalataya Kapag Nahihirapan Sila sa Mahihirap na Tanong o Pag-aalinlangan

Ipaliwanag

Tulungan ang mga estudyante na makita kung paano nila matutulungan ang iba na tumanggap ng mga sagot sa kanilang mga tanong tungkol sa ebanghelyo. Ipakita at basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf na ibinahagi niya habang naglilingkod sa Unang Panguluhan:

Larawan
Pangulong Dieter F. Uchtdorf

Natural lamang ang magtanong—ang binhi ng tapat na pagtatanong ay kadalasang sumisibol at lumalagong tulad ng malaking puno ng pang-unawa. May ilang mga miyembro ng Simbahan na, sa anumang pagkakataon, ay hindi nagkaroon ng anumang malalim o sensitibong tanong. Isa sa mga layunin ng Simbahan ang pangalagaan at linangin ang binhi ng pananampalataya—ito man ay nasa lupa ng pagdududa at kawalang-katiyakan. (Dieter F. Uchtdorf, “Halina, Sumama sa Amin,” Ensign o Liahona, Nob. 2013, 23)

Ibigay ang sumusunod na handout sa mga estudyante.

Paano Tutulungan ang Iba sa Kanilang mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo

Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo—Microtraining 8: Paano Aanyayahan ang Iba na Kumilos nang may Pananampalataya Kapag Nahihirapan Sila sa Mahihirap na Tanong o Pag-aalinlangan

  • Makinig nang may pang-unawa, nakikiramay na puso.

  • Anyayahan ang iba na kumilos nang may pananampalataya sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa Ama sa Langit sa panalangin at pagsunod sa mga kautusan.

  • Magbahagi ng mga katotohanan, espirituwal na impresyon, o patotoo sa iba (tingnan sa “Pagtulong sa Iba na Magtamo ng Espirituwal na Kaalaman,” SimbahanniJesucristo.org).

  • Anyayahan ang iba na pag-aralan ang mga banal na kasulatan, payo ng propeta, at iba pang nakasisiglang sources, kabilang na ang mga artikulo sa Mga Paksa sa SimbahanniJesucristo.org.

  • Hikayatin sila na alalahanin ang kanilang mga karanasan kung saan nadama nila ang Espiritu Santo at na mahigpit na kumapit sa katotohanan na nadama at natutuhan nila hanggang sa dumating ang karagdagang kaalaman.

Paano Tutulungan ang Iba sa Kanilang mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo

Larawan
handout ng titser

Ipakita

Hilingin sa mga estudyante na maghanap ng mga paraan na kumilos nang may pananampalataya at tingnan ang mga resulta nito.  Anyayahan silang magbahagi ng naranasan nila.

Isagawa

Anyayahan ang mga estudyante na gawin ang aktibidad kasama ang isang partner. Sabihin sa kanila na gamitin ang mga alituntunin sa handout na “How to Help Others with Their Gospel Questions” na isadula kung paano nila matutulungan si Jean sa kasunod na sitwasyon. (Ipaalala sa mga estudyante na magtuon sa pagsasanay kung paano tutulungan ang iba upang mahanap nila ang mga sagot sa sarili nilang mga tanong sa halip na magbigay lamang ng kumpletong mga sagot para sa kanila.)

Sumapi si Jean sa Simbahan isang taon na ang nakararaan. Nagpasiya siyang magpabinyag dahil nakadama siya ng malakas na patotoo na ang Aklat ni Mormon ay totoo. Nitong mga huling araw, nag-alinlangan ang kanyang pananampalataya dahil sa kanyang mga tanong kung bakit hindi inoorden ang kababaihan sa mga katungkulan sa priesthood sa Simbahan. Pakiramdam niya ay may diskriminasyon ang Simbahan laban sa kababaihan.

Pagkatapos ng aktibidad na ito, bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong ibahagi ang natutuhan nila habang ginagawa nila ito.