Library
Pambungad sa mga Pangunahing Doktrina


Pambungad sa mga Pangunahing Doktrina

Ang sumusunod ay listahan ng mga Pangunahing Doktrina ng ebanghelyo:

  • Panguluhang Diyos

  • Plano ng kaligtasan

  • Pagbabayad-sala ni Jesucristo

  • Dispensasyon, apostasiya, at panunumbalik

  • Mga propeta at paghahayag

  • Ang priesthood at mga susi ng priesthood

  • Mga ordenansa at mga tipan

  • Pag-aasawa at pamilya

  • Mga Kautusan

Habang pinag-aaralan mo ang mga banal na kasulatan, sikaping matukoy, maunawaan, mapaniwalaan, maipaliwanag, at maipamuhay ang mga pangunahing doktrinang ito ng ebanghelyo. Ang paggawa nito ay makatutulong na mapalakas ang iyong patotoo at madagdagan ang iyong pagpapahalaga para sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo. Ang pag-aaral ng mga Pangunahing Doktrina ay makatutulong din sa iyo na mas maging handa na ipamuhay ang ebanghelyo at ituro ang mahahalagang katotohanang ito sa iba. Bibigyang-diin din sa manwal na ito ang iba pang mahahalagang doktrina ng ebanghelyo, kahit hindi nakalista ang mga ito sa mga Pangunahing Doktrina.