2012
Maaari Akong Maging Misyonero Ngayon!
Enero 2012


Maaari Akong Maging Missionary Ngayon!

Sinisikap ni Anna na sundin ang mga halimbawa ng mga missionary. Sundin ang mga tagubilin sa ibaba upang makagawa siya ng mga desisyon na tutulong sa kanya na maging misyonera ngayon.

Mga Kailangan Ninyo: isang dais [dice] o anim na piraso ng papel na may bilang na 1 hanggang 6 na nakalagay sa isang maliit na supot; isang barya, tuyong bean, o iba pang maliliit na bagay para sa bawat tao.

Paano Maglaro: Bawat manlalaro ay pipili ng isang maliit na bagay na gagamitin bilang pamato. Magpalitan sa paghagis ng dais o sa pagbunot ng numero mula sa supot, at igalaw pasulong ang inyong pamato ayon sa bilang na lumabas sa dais o sa nabunot na numero sa supot. Kung mapunta kayo sa puwang na nagsasaad ng isang bagay na gagawin ng misyonero, sumulong ng isa pang hakbang. Magsalitan hanggang sa makarating ang lahat sa finish line, kung saan naghihintay ang mga missionary!

Simula

May nakita kang bata na mag-isang naglalaro at niyaya mo siyang makipaglaro sa inyong magkakaibigan.

Ibinahagi mo ang iyong patotoo sa family home evening.

Pinag-aralan mo ang iyong mga banal na kasulatan sa araw na ito.

Mapitagan ka habang nasa simbahan.

Inisip mo ang Tagapagligtas habang nasa sakrament.

Tinulungan mo ang iyong nanay sa pagtutupi ng mga nilabhan.

Naalala mong ipagdasal ang mga missionary.

Wakas

Salamat sa pagiging isang mabuting missionary!

Mga paglalarawan ni Jake Parker