2012
Sa mga Balita
Enero 2012


Sa mga Balita

Palalagyan ng Internet ang mga Meetinghouse sa Buong Mundo

Planong palagyan ng Simbahan ng high-speed Internet, na may optional wireless access, ang 85 porsiyento ng mga meetinghouse sa buong mundo.

Maa-access ng mga miyembro ang employment site ng Simbahan at makakabahagi sila sa gawain sa family history mula sa kanilang mga meetinghouse; mapapamahalaan ng mga pinuno ng Simbahan ang mga talaan, maisusumite ang mga aplikasyon para sa misyon, at makakabahagi sila sa mga brodkast sa pagsasanay sa pamumuno; at magagamit naman ng mga guro ang online media na gawa ng Simbahan bilang suplemento sa kanilang mga aralin.

Tumulong ang Simbahan sa Naganap na Taggutom sa East Africa

Sa mahigit 11.5 milyong katao sa Eastern Africa na nangangailangan ng agarang tulong bunga ng matinding tagtuyot, nakipagtulungan ang Simbahan sa iba’t ibang organisasyon para mamigay ng mga pagkain, gamot, panglinis, at makakanlungan.

Ang mga miyembrong gustong tumulong ay maaaring mag-ambag sa pondong pangkawanggawa.

Nakaragdag ang Bagong Missionary In-field Training sa Mararanasan sa MTC

Isang programang sinimulan noong Agosto 2011 ang magdaragdag ng 12 linggong training sa mga misyonerong kaaalis pa lamang sa missionary training center.

Ipinaliwanag ni Richard Heaton, director ng Provo MTC, na ang in-field training ay hindi isang bagong programa, kundi karagdagan sa natatanggap na training ng mga misyonero sa MTC.

“Ang manwal na The First 12 Weeks ay itinuturo ang mga trainer at kanilang bagong kompanyon sa mga alituntunin sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo na kailangang-kailangan nila sa kanilang unang 12 linggo,” wika niya. “Ito ay mapang magtuturo kung paano … maging mas mahusay na mga lingkod ng Panginoon nang mas mabilis hangga’t maaari.”

Sinimulan ng mga mission president na ipagamit ang in-field training material para sa mga bagong misyonero—na kinapapalooban ng tatlong training document at mga video segment na pag-aaralan ng bagong misyonero—kaagad.