Kasaysayan ng Simbahan
18 Huli na, Huli na


“Huli na, Huli na,” kabanata 18 ng Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw, Tomo 2, Walang Kamay na Di Pinaging Banal, 1846-1893 (2019)

Kabanata 18: “Huli na, Huli na”

Kabanata 18

Huli na, Huli na

Larawan
puting bandila na nakakabit sa patpat

Noong tag-init ng 1857, nagtungo sina Johan at Carl Dorius sa Sion kasama ang isang grupo ng mga kariton ng mga tatlong daang Banal na Scandinavian.1 Halos lahat sa grupo ay dumating sa silangang Estados Unidos noong Mayo. Nanatili upang ipangaral ang ebanghelyo sa Norway at Denmark sa matagal na panahon matapos mandayuhan ang kanyang ama at mga kapatid sa Sion, nadama ni Johan ang kanyang puso na tumibok sa tuwa nang makita niya sa wakas ang Estados Unidos.2 Sa pampang, gayunman, agad nilang nalaman ng kanyang grupo ang tungkol sa pagpaslang kay Parley Pratt at sa hukbo ng mga isanglibo’t limandaang kawal na naglalakbay upang supilin ang mga Banal sa Utah.3

Nalaman din nila ang tungkol sa mga nandarayuhan na nasa mga grupo ng kariton na nasawi sa daan noong nakaraang taon. Tulad ng inaasahan ni Brigham, sa ilalim ng karaniwang sitwasyon, ang paglalakbay gamit ang mga kariton ay napatunayang mas mabilis at mas mura kaysa sa tradisyonal na grupo ng mga bagon. Sa limang grupo ng mga kariton na dumating sa lambak, ang unang tatlo ay dumating nang walang malubhang pangyayaring naganap. At ang kalunus-lunos na resulta ng dalawang grupo ay naiwasan sana ng mahusay na pagpaplano at payo mula sa ilan sa mga pinuno ng pandarayuhan. Upang maiwasan ang karagdagang kalamidad, tinitiyak ngayon ng mga kinatawan ng pandarayuhan na bibigyan ang mga grupo ng mga kariton ng sapat na panahon upang marating nang ligtas ang lambak.4

Noong huling bahagi ng Agosto, naglakbay sina Johan, Carl, at kanilang mga kasamahan nang ilang panahon malapit sa armado at sustentadong hukbo na patungo sa Utah. Bagama’t maraming tao ang naniwala na ang hukbo ay nais mandaig at mang-api sa mga Banal, walang natanggap na panliligalig o pang-aabuso ang mga nandarayuhan habang naglalakbay na kasama nila.5

Isang araw, mga tatlong daan at dalawampung kilometro ang layo mula sa Lambak ng Salt Lake, natagpuan ng mga nandarayuhan ang isa sa mga baka ng hukbo na nasa daan na may sugatang paa. “Maaari ninyong kunin ang bakang iyan,” sinabi ng pinuno ng mga bagon ng panustos ng hukbo. “Palagay ko ay mangangailangan kayo ng kaunting karne.”

Masayang tinanggap ng mga Banal ang hayop. Ang mga bagon ng pagsagip mula sa lambak ay dapat parating na, subalit hindi pa dumarating ang mga ito. Lubhang kulang sa iba pang mga mapagkukunan ng pagkain, itinuring ng mga Banal ang karne ng baka bilang pagpapala mula sa Diyos.

Hindi nagtagal ay nalampasan ng mga kariton ang hukbo. Nang malapit na sila sa Utah, nasasabik si Johan na simulan ang mahalagang gawaing naghihintay sa kanya. Habang binabagtas ang Atlantiko, pinakasalan niya ang isang Banal na Norwegian na nagngangalang Karen Frantzen. Ang kanyang kapatid na si Carl ay pinakasalan si Elen Rolfsen, isa pang Banal sa Norwegian, kasabay niya. Sa Utah, nagplano ang mga dating missionary na permanenteng manirahan sa unang pagkakataon sa loob ng ilang taon—marahil ay malapit sa ibang mga kasapi ng pamilya Dorius—at magtamasa ng kanilang bagong buhay sa Sion.6

Subalit may walang-katiyakang makikita sa hinaharap. Mabuting pinakitunguhan ng mga kawal ang mga Banal sa daan. Gagawin din ba nila ito kapag sila ay dumating sa teritoryo?


Noong Agosto 25, 1857, si Jacob Hamblin, ang pangulo ng Indian mission sa katimugang Utah, ay sumama kay George A. Smith pabalik sa Lunsod ng Salt Lake. Naglakbay sila pahilaga kasama ang isang grupo ng mga pinuno mula sa tribu ng mga Paiute Indian. Batid na ang mga Paiute ay maaaring makianib sa mga Banal kung magsisimula ang karahasan laban sa hukbo, inanyayahan ni Brigham ang mga pinuno na tumungo sa lunsod para sa isang kapulungan.7 Si Jacob ay magsisilbing tagasalin sa oras ng pulong.8

Bandang gitna patungo sa Lunsod ng Salt Lake, humimpil ang maliit na grupo sa kabilang pampang ng sapa kung saan naroon ang grupo ng mga bagon ng mga nandarayuhan na karamihang mula sa Arkansas, isang estado sa katimugang Estados Unidos. Pagkatapos ng dapit-hapon, lumapit sa kampo ang ilang kalalakihan mula sa mga grupo ng mga taga-Arkansas at ipinakilala ang kanilang mga sarili.9

Binubuo ng mga 140 tao ang grupo, karamihan sa kanila ay mga bata pa at sabik na magsimula ng bagong buhay sa California. Ang ilan ay may-asawa at naglalakbay na may kasamang maliliit na bata. Ang kanilang mga lider ay sina Alexander Fancher at John Baker. Si Kapitan Fancher, na naglakbay papuntang California noon, ay isang likas na pinuno na kilala dahil sa kanyang katapatan at katapangan. Siya at ang kanyang asawa, si Eliza, ay mga magulang ng siyam na anak, kung saan ang bawat isa ay kasama ng grupo. Naglakbay si Kapitan Baker kasama ang tatlo sa kanyang mga anak na nasa wastong edad at isang sanggol na apo.

Ang grupo ay may mga buriko, kabayo, at mga baka na hihila sa kanilang mga bagon at mga karitela. Naglakbay rin sila kasama ang daan-daang baka na may mahahabang sungay, na maaari nilang ibenta para sa karagdagang kita kapag nakarating sila sa California, kung kanilang pananatilihing busog at malusog sa daan ang mga ito.10

Sa panahong unang naglakbay si Kapitan Fancher papunta sa California, may maraming malalawak na kapatagan para sa panginginain at mga patubig para sa pagpapainom ang timog na ruta patungo sa Utah. Mula noon, ang mga bagong pamayanan sa tabi ng daan ay umangkin sa lupaing ito, na siyang nagpapahirap sa mga malalaking grupo ng mga bagon na pangalagaan ang kanilang mga alagang hayop nang walang pakikipagtulungan sa mga Banal. Ngayon, sa papalapit na pagdating ng mga hukbo, maraming Banal ang tumuturing sa mga taga-labas nang may pagdududa at pagkapoot. Marami rin ang sumunod sa payo na huwag magbenta ng pagkain sa mga tagalabas.11

Ang pagwawalang-bahala ng mga Banal ay nagbigay ng pag-aalala sa grupo ng mga taga-Arkansas. Ang daan na kanilang tatahakin pa ay bumabagtas sa ilan sa pinakamainit at pinakatigang na lugar sa Estados Unidos. Ang paglalakbay ay magiging mahirap kung walang lugar para muling makakuha ng panustos, magpakain at magpainom ng kanilang mga hayop, at magpahinga.12

Sinabi ni Jacob Hamblin sa grupo ang maiinam na lugar sa daan na maaaring pagkampuhan. Ang pinakamainam ay isang malagong lambak, sa bandang timog lamang ng kanyang rantso, na may maraming tubig at damo para sa mga hayop. Isa itong payapang lugar na tinatawag na Mountain Meadows.13


Makaraan ang ilang araw, humimpil sa Lunsod ng Cedar ang grupo mula sa Arkansas, mga apat na raang kilometro sa timog ng Lunsod ng Salt Lake, upang bumili ng mga suplay bago magpatuloy patungo sa Mountain Meadows. Ang Lunsod ng Cedar ang huling malaking pamayanan sa katimugang Utah at tahanan ng industriya ng bakal ng mga Banal, na ngayon ay nahihirapan. Ang mga mamamayan nito ay naghihikahos at medyo liblib.14

Natagpuan ng grupo ang isang lalaki sa labas ng bayan na handang magbenta sa kanila ng 1,760 litro ng trigo na hindi pa nagigiling. Dinala ng ilang miyembro ng grupo ang trigo at kaunting mais na kanilang binili mula sa mga Indian sa gilingan na pinatatakbo ni Philip Klingensmith, ang lokal na bishop, na naniningil ng lubhang mataas na halaga para gilingin ang butil.15

Ang iba pang mga miyembro ng grupo, samantala, ay sinikap na bumili sa tindahan sa bayan. Ang sumunod na nangyari ay nananatiling hindi maliwanag. Matapos ang ilang taon, ginunita ng mga mamamayan ng Lunsod ng Cedar na wala sa tauhan ng tindahan ang mga bagay na kailangan ng mga nandarayuhan—o kaya naman ay tumutol siya na ibenta ang mga ito.16 May mga taong ginunita ang ilang miyembro ng grupo na naging galit at nagbabalang tulungan ang mga kawal na lipulin ang mga Banal pagdating ng hukbo. Sabi ng iba pang mga naninirahan na ang isang tao sa grupo ay nagsabing taglay niya ang baril na pumatay kay propetang Joseph Smith.17

Sinikap ni Kapitan Fancher na pakalmahin ang mga galit na tao.18 Subalit ang ilan sa kanila ay tila nalaman ang tahanan ng alkalde, si Isaac Haight, na naglingkod din bilang stake president at komandante sa milisya ng teritoryo, at naghihiyaw ng mga banta sa kanya.19 Tumalilis si Isaac sa kanyang pintuan sa likod, natagpuan si John Higbee, ang marshal ng bayan, at hinikayat siya na dakpin ang mga lalaki.

Hinarap ni Higbee ang mga tao at sinabi sa kanila na ang panggugulo sa kapayapaan at paggamit ng masasamang salita ay labag sa mga lokal na batas. Inudyukan ng mga lalaki na dakpin niya ang mga ito. Paglaon ay nilisan nila ang bayan.20


Noong hapong iyon, nagpadala sina Isaac Haight at iba pang mga lider ng Lunsod ng Cedar ng mensahe kay William Dame, ang kumander ng milisya ng distrito at ang stake president sa kalapit na Parowan, na humihingi ng payo sa kung ano ang gagawin sa mga nandarayuhan. Bagama’t karamihan sa grupo ay hindi nagsanhi ng problema, at walang sinumang pisikal na sinaktan sa sinuman sa mga residente, ang mga tao sa bayan ay galit na galit nang umalis ang mga nandarayuhan. Ilan sa kanila ay nagsimulang magplano ng paghihiganti.

Ibinahagi ni William ang mensahe ni Isaac sa isang kapulungan ng mga lider ng Simbahan at bayan, at nagpasiya sila na maaaring walang dalang panganib ang grupo mula sa Arkansas. “Huwag mabahala sa kanilang mga pagbabanta,” payo ni William kay Isaac sa isang liham. “Ang mga salita ay hangin lamang—wala silang sinasaktan.”21

Hindi nasiyahan, ipinatawag ni Isaac si John D. Lee, isang Banal sa mga Huling Araw sa isang kalapit na bayan. Nagturo si John ng pagsasaka sa mga lokal na Paiute at may magandang ugnayan sa mga ito. Masipag siya at sabik na mapatunayan ang kanyang sarili sa mga pamayanan sa katimugan.22

Habang naghihintay siya sa pagdating ni John, nakipagpulong si Isaac sa iba pang mga lider sa Lunsod ng Cedar upang ibahagi ang kanyang plano para sa paghihiganti. Sa timog ng Mountain Meadows, sa daan patungo sa California, ay isang makitid na talampas kung saan ang mga Paiute ay maaaring sumalakay sa mga grupo ng bagon, patayin ang ilan o lahat ng mga tao, at kunin ang kanilang mga hayop. Ang mga Paiute ay karaniwang payapa, at ang ilan sa kanila ay sumapi sa Simbahan. Subalit naniwala si Isaac na mahihikayat ni John ang mga ito na salakayin ang grupo.23

Sa oras na dumating si John, sinabi sa kanya ni Isaac ang tungkol sa mga nandaruyahan, inuulit ang tungkol sa sabi-sabi na isa sa kanila ay ipinagyabang ang pagkakaroon ng baril na pumatay kay propetang Joseph.24 “Maliban na lamang kung may gagawin upang maiwasan ito,” sabi ni Isaac, “isasagawa ng mga nandarayuhan ang kanilang mga pananakot at nanakawan ang bawat isa sa mga liblib na mga pamayanan sa timog.”25

Hiniling niya kay John na kumbinsihin ang mga Paiute na salakayin ang grupo. “Kung papatayin nila ang ilan o lahat ng mga ito,” sabi niya, “pihadong mas mainam.” Subalit walang makakaalam na ang mga puting mamamayan ang nag-utos sa paglusob.

Ang sisi ay dapat mapunta sa mga Paiute.26


Noong hapon ng Linggo, ika-6 ng Setyembre, ang mga lider ng Lunsod ng Cedar ay muling nagtipon upang talakayin ang grupo mula sa Arkansas, na ngayon ay humimpil sa Mountain Meadows. Kumbinsido na ang isang miyembro ng grupo ay may kaugnayan sa pagkamatay nina Joseph at Hyrum Smith o na ang ilang tao sa grupo ay nais tulungan ang hukbo na patayin ang mga Banal, ilang konsehal ang sumuporta sa plano upang udyukan ang mga Paiute na lusubin ang grupo.27

Ang iba sa kapulungan ay naghimok ng pag-iingat, at hindi nagtagal mas marami pang kalalakihan ang nagpahayag ng pag-aalinlangan tungkol sa plano.28 Naiinis, mabilis na tumayo mula sa kanyang upuan si Isaac at galit na lumabas mula sa kuwarto. Samantala, ang kapulungan ay nagmungkahi ng pagpapadala ng mabilisang sugo upang humingi ng payo mula kay Brigham Young.29 Ngunit pagsapit ng tanghali noong Lunes, walang sugo ang ipinadala.

Sa araw ding iyon, ika-7 ng Setyembre, tumanggap ng mensahe si Isaac mula kay John D. Lee. Noong umagang iyon, sinalakay ni John at ng isang grupo ng mga Paiute ang mga nandarayuhan sa Mountain Meadows. Bagama’t ang mga Paiute noong una ay atubiling sumali, nangako sina John at iba pang mga lokal na lider na gagantimpalaan sila ng pandarambong kung sila ay sasama sa pagsalakay.30

Nataranta si Isaac sa balita. Ayon sa plano, ang pagsalakay ay mangyayari matapos umalis sa kaparangan ang grupong mula sa Arkansas, hindi bago nito. Iniulat ngayon ni John na napatay ang pitong nandarayuhan at nasugatan ang labing-anim na iba pa. Bumuo ng isang bilog ang mga nandaryuhan gamit ang kanilang mga bagon, nanlaban, at napatay ang hindi bababa sa isang Paiute.31

Sa gitna ng isang paglusob sa Mountain Meadows, sumulat si Isaac kay Brigham Young upang humingi ng payo. Iniulat niya na sinalakay ng mga Paiute ang isang grupo ng mga bagon. Sinabi niya na pinagbantaan ng mga nandarayuhan ang mga Banal sa Lunsod ng Cedar, ngunit inalis niya ang papel ng mga mamamayan sa pagpaplano at pagsasagawa ng pagsalakay.32

Iniabot ni Isaac ang liham kay James Haslam, isang bata pang miyembro ng milisya, at inutusan niya itong sumakay sa kabayo patungo sa Lunsod ng Salt Lake sa bilis na kanyang makakaya.33 Pagkatapos ay nagliham siya kay John. “Gagamitin mo ang iyong pinakamahusay na pagsisikap upang iiwas ang mga Indian sa mga nandarayuhan,” isinulat niya, “at maprotektahan sila mula sa kapahamakan hanggang sa mga darating pang kautusan.”34

Noong gabing iyon, nalaman ni Isaac na matapos lusubin ni John at ng mga Paiute ang grupo, ginalugad ng mga armadong Banal sa mga Huling Araw ang lugar dahil sa dalawang miyembro ng grupo na lumisan ng Mountain Meadows nang mas maaga noong linggong iyon upang hanapin at tipunin ang nagsigalang hayop. Natagpuan ng mga lalaki ang mga nandarayuhan at binaril ang isa sa kanila. Nakatakas ang isa pang nandarayuhan at bumalik sa kuta ng grupo, batid na sinalakay siya ng dalawang puting lalaki.

Kung hindi batid noon ng mga nandarayuhan na ang mga Banal sa mga Huling Araw ay sangkot sa pagsalakay sa kanilang kuta, ngayon ay alam na nila.35


Makalipas ang dalawang araw, noong ika-9 ng Setyembre, nakipagkita si Isaac kay marshal John Higbee, na kauuwi lang mula sa paglusob.36 Mula nang mga unang pagpatay, pinangunahan din ni John D. Lee ang mga mas maliit na pag-atake sa grupo.37 Alam ni Higbee na kalaunan ay mauubusan ng tubig at panustos ang mga nandarayuhan. Ngunit mas maraming mga grupo ng bagon ang daraan sa lugar, marahil sa loob ng mga susunod na araw, at maaaring matuklasan ang papel ng mga Banal sa pag-atake.38

Upang maitago ang paglahok ng mga mamamayan, nagpasiya sina Isaac at Higbee na kinakailangan ng lokal na milisya na wakasan ang paglusob. Lahat ng tao sa mga grupo na maaaring kilalanin upang isumbong ang mga lumusob ay dapat patayin.39

Pagkatapos ng pulong, nagpunta si Isaac sa Parowan upang makakuha ng pahintulot mula kay William Dame upang atasan ang mga milisya na salakayin ang mga nandarayuhan. Naniniwala pa rin na ang mga nandarayuhan ay biktima ng isang pag-atake ng mga Indian, nais ni William at ng kanyang kapulungan na ipadala ang milisya sa Mountain Meadows upang protektahan ang grupo at tulungan silang magpatuloy sa kanilang paglalakbay.40

Sa isang pribadong pakikipagpulong kay William, gayunman, inamin ni Isaac na kasali sa mga pag-atake ang mga Banal sa mga Huling Araw at alam ito ng mga nandarayuhan. Sinabi niya na ang kanilang tanging pagpipilian ngayon ay patayin ang sinumang nakaligtas na nasa hustong gulang na upang magpatotoo laban sa mga mamamayan.41

Pinagninilayan ang mga salitang ito, binalewala ni William ang desisyon ng kanyang kapulungan at pinahintulutan ang pagsalakay.42


Nang sumunod na araw, ika-10 ng Setyembre, nakipagkita si Brigham Young kay Jacob Hamblin sa Lunsod ng Salt Lake upang malaman kung paano nag-iimbak ng pagkain ang mga Paiute. Kung kinakailangan ng mga Banal na tumakas papunta sa kabundukan kapag dumating ang hukbo, nais malaman ni Brigham kung paano mabubuhay sa mahirap na kalupaan.43

Ngunit ang hukbo noon ay tila hindi na gaanong banta kaysa sa unang inakala ng mga Banal. Isang kinatawan ng hukbo ang kamakailan lamang nagtungo sa lunsod at sinabi na ang mga kawal ay walang pagnanais na saktan ang mga Banal. Tila hindi rin mangyayari na ang karamihan sa hukbo ay darating sa lugar bago sumapit ang taglamig.44

Habang nag-uusap sina Brigham at Jacob, ang sugo mula sa Lunsod ng Cedar, si James Haslam, ay nagpatigil ng pulong dahil sa kanyang mensahe tungkol sa paglusob sa Mountain Meadows.45 Binasa ni Brigham ang sulat at pagkatapos ay tumingin sa sugo. Naglakbay si James ng mga 402 kilometro sa loob ng tatlong araw—halos walang tulog. Napagtanto na walang oras na dapat sayangin, tinanong siya ni Brigham kung makakaya nitong dalhin ang kanyang tugon sa Lunsod ng Cedar. Sinabi nito na maaaring gawin iyon.46

Sinabi sa kanya ni Brigham na matulog at bumalik para sa kanyang tugon.47 Umalis si James, at isinulat ni Brigham ang kanyang tugon. “Tungkol sa grupo ng pandarayuhan na dumaraan sa ating mga pamayanan, tayo ay hindi dapat makialam sa kanila hanggang sa ipaalam sa kanila na huwag silang manggambala,” itinuro niya. “Hindi kayo dapat makialam sa kanila. Ang mga Indian ay inaasahan nating gagawa ng kanilang naisin, ngunit dapat ninyong subukan at pangalagaan ang mabuting damdamin sa kanila.”

“Hayaan silang humayo nang payapa,” iginiit ni Brigham.48

Makalipas ang isang oras, iniabot ni Brigham ang liham kay James at naglakad kasama nito patungo sa poste kung saan nakatali ang kabayo sa labas ng kanyang opisina. “Brother Haslam,” sabi niya, “Nais kong maglakbay ka sa bilis na iyong makakaya.”49


Bagama’t hindi na inaasahan ng mga Banal sa Lunsod ng Salt Lake ang mga kawal na papasukin ang kanilang mga lansangan noong panahong iyon, ang mga Banal sa katimugang Utah ay nanatiling walang nalalaman ukol sa panata ng kapayapaan ng hukbo at mga tagubilin ni Brigham na huwag pakialaman ang mga grupo ng bagon ng mga nandarayuhan. Naniniwala ang mga Banal sa Lunsod ng Cedar na layon ng hukbo na lipulin sila.

Sa loob ng higit sa isang linggo, pinanood ng mga kababaihan sa bayan ang mga lalaki sa kanilang mga pamilya na maging mas balisa sa mga nandarayuhan mula Arkansas. Nanatili sa labas ang mga lalaki hanggang sa paglalim ng gabi, nagpupulong sa mga konseho, at bumubuo ng mga paraan upang harapin ang sitwasyon. Ngayon ang milisya ay naglalakbay patungo sa Mountain Meadows.50

Noong hapon ng ika-10 ng Setyembre, nagtipon ang mga babae para sa kanilang buwanang pulong ng Relief Society. Ilan sa mga babae ay nakadama ng panganib nang dumaan ang mga nandarayuhan sa loob ng Lunsod ng Cedar. Ang ilan sa kanila, kabilang na sina Annabella Haight at Hannah Klingensmith, ay mga asawa ng mga lider na lumahok sa mga kaganapan ng nakaraang linggo.51

“Ito ay mga nakababahalang panahon,” sinabi ni Annabella sa mga babae, “at dapat nating isagawa ang mga lihim na panalangin alang-alang sa ating mga asawa, mga anak na lalaki, mga ama, at mga kapatid.”

“Isagawa nang palagian ang lihim na panalangin para sa mga kapatid na kumikilos para sa ating tanggulan,” sang-ayon ni Lydia Hopkins, ang pangulo ng Relief Society. Pagkatapos, siya at ang kanyang mga tagapayo ay inatasan ang mga babae at naghirang ng ilang miyembro na bisitahin ang iba pang kababaihan sa buong lunsod.

Sa pagtatapos ng pulong, umawit sila ng himno.

Magsisi at mahugasan at maging malinis mula sa kasalanan,

At putong ng buhay ang iyong gantimpala;

Sapagkat ang araw na hinahangad natin ay nalalapit na, ay nalalapit na.52


Samantala, sa Mountain Meadows, mga animnapu hanggang pitumpung kawal ng milisya mula sa Lunsod ng Cedar at iba pang mga kalapit na pamayanan ang sumama kay John D. Lee sa rantso ni Jacob Hamblin, na hindi pa nakauuwi mula sa Lunsod ng Salt Lake.53 Ilan sa mga kawal ng milisya ay mga tinedyer, ngunit karamihan ay nasa ikatlo at ika-apat na dekada.54 Ang ilan sa kanila ay dumating na iniisip na nagpunta sila upang ilibing ang mga patay.55

Noong gabing iyon, sina John Higbee, John D. Lee, Philip Klingensmith, at iba pang mga lider ay nagrepaso ng plano ng pagsalakay kasama ang mga kawal ng milisya. Isa-isa, ang mga lalaki ay sumang-ayon sa plano, kumbinsido na kung hahayaan nila ang grupo mula sa Arkansas na makalaya, malalaman ng mga kaaway ng Simbahan ang katotohanan tungkol sa paglusob.56

Kinaumagahan, noong ika-11 ng Setyembre, ang dalawampu’t tatlong-taong gulang na si Nephi Johnson ay nasa tuktok ng burol kung saan tanaw ang Mountain Meadows. Dahil siya ay mahusay sa wikang Paiute, inatasan siyang pamunuan ang mga Indian sa paglusob. Nais ni Nephi na hintayin munang makatanggap ng tugon mula kay Brigham Young, ngunit iginiit ng milisya na lumusob ngayon. Naniwala si Nephi na siya ay walang ibang magagawa kung hindi ang makipagtulungan.57

Nagmasid siya habang ang isang sarhento ng milisya, bitibit ang puting watawat ng kasunduan, ay nakipagkita sa isa sa mga nandarayuhan sa labas ng barikada ng grupo at nag-alok ng tulong sa mga nakaligtas. Matapos tanggapin ng mga nandarayuhan ang alok, nilapitan ni John D. Lee ang barikada upang makipag-ayos sa pagsagip. Tinagubilinan niya ang grupo na itago ang kanilang mga baril sa mga bagon at iwan ang kanilang mga baka at mga ari-arian bilang handog sa mga Paiute.58

Sinabihan ni John ang mga nandarayuhan na sumunod sa kanya. Dalawang bagon na may sakay na maysakit, sugatan, at maliliit na bata ang nanguna, sinundan ng isang linya ng kababaihan at mga batang nakatatanda. Ang mga mas nakatatandang batang lalaki at kalalakihan ay naglakad nang may kalayuan sa likuran, bawat isa na may isang armadong kawal ng milisya sa kanyang tabi. Ilan sa mga lalaki at babae ay kinarga ang mga bata sa kanilang mga bisig.59

Alam ni Nephi kung ano ang susunod na mangyayari. Ang mga nandarayuhan ay magtutungo sa rantso ni Hamblin. Sa isang punto, huhudyatan ni Higbee ang bawat kawal ng milisya na bumaling at barilin ang mga nandarayuhan sa tabi niya. Pagkatapos ay uutusan ni Nephi ang mga Paiute na umatake.60

Hindi nagtagal ay dumaan sina John D. Lee at ang mga nandarayuhan sa ibaba ng lugar na pinagtataguan ni Nephi at ng mga Paiute. Hinintay ni Nephi ang hudyat ni Higbee, ngunit hindi ito dumating. Nalilito, hirap na nagsikap ang mga Paiute na manatiling nakatago habang nagmadali silang sumabay sa mga nandarayuhang naglalakbay.61 Sa wakas, ipinihit ni Higbee ang kanyang kabayo upang harapin ang milisya.

“Hinto!” sigaw niya.62


Nang marining ng mga kawal ng milisya ang hudyat ni Higbee, karamihan sa kanila ay itinutok ang kanilang mga baril sa mga kalalakihan at kabataang lalaki at agad na pinagpapaslang ang mga ito. Isang malakas na putok ang tila umalingawngaw sa kabuuan ng parang habang binabalot ng usok ng baril ang mga nandarayuhan.63 Hinudyatan ni Nephi ang mga Paiute na umatake, at mabilis na tumayo ang mga ito mula sa kanilang mga posisyon at nagpaputok sa mga pinakamalalapit na nandarayuhan.64

Ang mga nandarayuhan na nakaligtas sa unang pagpapaputok ay tumakas upang iligtas ang kanilang buhay. Hinarang sila nina Higbee at iba pang kalalakihang sakay ng kabayo habang ang mga lumulusob na kawal ay hinabol at pinatay sila, iniiwang buhay ang ilan lamang sa mga pinakamaliliit na bata.65 Sa mga bagon na may mga maysakit at sugatan, tiniyak ni John D. Lee na walang makaliligtas nang buhay na makapaglalahad ng kuwento.66

Matapos noon, ang amoy ng dugo at pulbura ay nagkalat sa kabuuan ng Mountain Meadows. Mahigit 120 nandarayuhan ang pinatay mula noong unang pag-atake apat na araw na ang nakararaan. Habang dinarambong ng ilang lumusob ang mga bangkay, tinipon ni Philip Klingensmith ang labimpitong maliliit na bata at dinala sila sa rantso ni Hamblin. Nang makita ng asawa ni Jacob Hamblin na si Rachel ang mga bata, karamihan sa mga ito ay umiiyak at puno ng dugo, nadurog ang kanyang puso. Isa sa mga pinakamaliit na bata, ang isang taong gulang na batang babae, ay nabaril sa bisig.67

Nais ni John D. Lee na ihiwalay ang sugatang bata mula sa kanyang dalawang kapatid na babae, ngunit nahikayat siya ni Rachel na hayaang magkasama ang mga ito.68 Nang gabing iyon, habang inaalagaan ni Rachel ang mga nagdurusang bata, nahiga si John sa labas ng bahay at natulog.69


Maaga pa kinabukasan, dumating sina Isaac Haight at William Dame sa rantso ni Hamblin. Ito ay ang unang pagkakataon na ang isa sa kanila ay dumalaw sa Mountain Meadows mula noong magsimula ang paglusob.70 Nang malaman niya kung gaano karaming tao ang napatay, nagulat si William. “Kinakailangan kong maiulat ito sa mga awtoridad,” sabi niya.

“At ipahamak mo ang iyong sarili kasama ang iba pa?” sabi ni Isaac. “Walang ibang nagawa maliban sa iyong mga utos.”71

Kalaunan, dinala ni John D. Lee ang dalawang lalaki sa lugar ng masaker. Ang mga palatandaan ng mga pagpatay ay nasa lahat ng dako, at ilang kalalakihan ang nagbabaon ng mga bangkay sa mabababaw na libingan.72

“Hindi ko iniisip na napakaraming babae at bata,” sabi ni William, maputla ang kanyang mukha.73

“Pinayuhan at inatasan ako ni Koronel Dame na gawin ang bagay na ito, at ngayon ay nais niyang maghugas-kamay at huwag na akong suportahan sa pangyayari,” sinabi ni Isaac kay John, napupuno ng galit ang kanyang tinig. “Kailangan niyang manindigan sa kung ano ang ginawa niya, tulad ng isang maliit na tao.”

“Isaac,” sabi ni William, “hindi ko alam na napakarami pala nila.”

“Walang pagkakaiba ito,” sabi ni Isaac.74


Kalaunan, matapos ilibing ang mga patay, sinabi nina Philip Klingensmith at Isaac sa mga kawal ng milisya na ilihim ang kanilang papel sa pagpaslang.75 Si James Haslam, ang sugo na ipinadala sa Lambak ng Salt Lake, ay kaagad na dumating dala ang mga tagubilin ni Brigham Young na hayaan ang grupo ng bagon na payapang umalis.

Nagsimulang umiyak si Isaac.76 “Huli na,” sabi niya. “Huli na.”77

  1. Liljenquist, Autobiography, [9]; Dorius, “Sketch of the Life,” 47; Christian Christiansen Company (1857) list, Pioneer Database, history.ChurchofJesusChrist.org/overlandtravel/companies.

  2. Dorius, “Sketch of the Life,” 6–7, 11–12, 46, 49; tingnan din sa Ole Nielsen Liljenquist, “Biografiske Skizzer,” Morgenstjernen, Mar. 1833, 40.

  3. Matthias Cowley to Orson Pratt, June 1, 1857, Latter-day Saints’ Millennial Star, Hulyo 11, 1857, 19:446; Liljenquist, Autobiography, [9]; Frantzen, Reminiscence and Journal, 33.

  4. Dorius, “Autobiography of Carl Christian Nicoli Dorius,” 19–21. Paksa: Mga Grupo ng mga Kariton

  5. Christensen, “Reminiscence,” sa Jensen, “By Handcart to Utah,” 337, 343–44; Liljenquist, Autobiography, [9]; Benson, “Recollections,” 3–4; Frantzen, Reminiscence and Journal, 37–39; Tanner, Biographical Sketch of James Jensen, 23–40; Carl Dorius, Biographical Sketch, 2.

  6. Dorius, “Sketch of the Life,” 46, 49–50, 52; Carl Dorius, Biographical Sketch, 2–3; Dorius, “Autobiography of Carl Christian Nicoli Dorius,” 19–21. Ibinibigay ng ilang talaan ang Kaia bilang alternatibong pangalan para kay Karen.

  7. Brigham Young to Jacob Hamblin, Aug. 4, 1857, Letterbook, tomo 3, 737–38, Brigham Young Office Files, CHL; Hamblin, Journal, 37–38; Jacob Hamblin, Deposition, Nov. 28, 1871, President’s Office Files, 1843–77, Brigham Young Office Files, CHL; Historical Department, Office Journal, Aug. 25, 1857; Huntington, Journal, Set. 1, 1857.

  8. Tingnan sa Little, Jacob Hamblin, 31; at Carleton, Report on the Subject of the Massacre at the Mountain Meadows, 10.

  9. George A. Smith to Md. St. Clair, Nov. 25, 1869, Historian’s Office, Letterpress Copybook, tomo 2, 941–43; George A. Smith, Statement, [Nov. 1896], George A. Smith, Papers, CHL; tingnan din sa Eleanor J. Pratt to “Brother Snow,” May 14, 1857, CHL.

  10. Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 76–83, 104–5, 244–49, 251–54; Carleton, Report on the Subject of the Massacre at the Mountain Meadows, 4, 6; tingnan din sa Hamblin, Journal, 38–40; at Little, Jacob Hamblin, 45.

  11. Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 80, 105–13; tingnan din sa Provo Utah Central Stake, General Minutes, Ago. 16, 1857, tomo 10, 907–8; “Late Horrible Massacre,” Los Angeles Star, Okt. 17, 1857, [2]; at Arrington, Great Basin Kingdom, 148–51.

  12. George A. Smith to Md. St. Clair, Nov. 25, 1869, Historian’s Office, Letterpress Copybook, tomo 2, 941–43; George A. Smith, Incidents Connected with the Mountain Meadows Massacre, [Nov. 1869], George A. Smith, Papers, CHL; Carleton, Report on the Subject of the Massacre at the Mountain Meadows, 6; tingnan din sa Parker, Recollections of the Mountain Meadows Massacre, 11.

  13. Carleton, Report on the Subject of the Massacre at the Mountain Meadows, 6; Silas Smith, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s First Trial, 5:229; Jacob Hamblin, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s Second Trial, 1:92.

  14. Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 129–32; “Lee’s Confession,” Sacramento Daily Record-Union, Mar. 24, 1877, 3; Philip Klingensmith, Testimony, sa Rogerson, Shorthand of John D. Lee’s First Trial, 2:19; Boreman, Transcript of John D. Lee’s First Trial, 3:2, 58–59; “History of Mormonism,” Corinne Reporter, Hulyo 22, 1871, [2]; tingnan din sa Shirts at Shirts, Trial Furnace, 372–87.

  15. “History of Mormonism,” Corinne Reporter, Hulyo 22, 1871, [2]; Philip Klingensmith, Testimony, sa Rogerson, Shorthand of John D. Lee’s First Trial, 2:19; Boreman, Transcript of John D. Lee’s First Trial, 3:58–59; Bowering, Journal, taglagas 1857, 230; Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 132; Krenkel, Life and Times of Joseph Fish, 57.

  16. “Christopher J. Arthur, Field Notes”; “Christopher J. Arthur, Prepared Report,” Ene. 26, 1892, sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 80, 82; Parowan Stake, Historical Record, Aug. 9, 1857, 22–23; tingnan din sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 231; Plat of Cedar City, Oct. 1852, Historian’s Office, Collected Historical Documents, CHL; at Shirts at Shirts, Trial Furnace, 289–96.

  17. Krenkel, Life and Times of Joseph Fish, 57–58; Bowering, Journal, taglagas 1857, 230; “Christopher J. Arthur, Field Notes”; “Christopher J. Arthur, Prepared Report,” Ene. 26, 1892, sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 80, 82; Charles Willden, Affidavit, Feb. 18, 1882; Elias Morris, Statement, Feb. 2, 1892, Collected Material concerning the Mountain Meadows Massacre, CHL; Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 93–94, 132–33.

  18. “Nephi Johnson, Affidavit, July 22, 1908,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 328.

  19. Annie Hoge, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s First Trial, 4:26–27.

  20. “Lee’s Confession,” Sacramento Daily Record-Union, Mar. 24, 1877, 3; “Christopher J. Arthur, Prepared Report,” Ene. 26, 1892, sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 82–83; tingnan din sa “An Act in relation to Profanity and Drunkenness,” Acts, Resolutions, and Memorials … of the Territory of Utah, 89.

  21. James H. Martineau to Susan, May 3, 1876, James H. Martineau Collection, CHL; John Chatterly to Andrew Jenson, Sept. 18, 1919, sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 278; Martineau, “Mountain Meadow Catastrophy,” [2]; tingan din sa Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 55–56, 134–36, 256.

  22. “Lee’s Confession,” Sacramento Daily Record-Union, Mar. 24, 1877, 3; John D. Lee to Brigham Young, May 23, 1856, Brigham Young Office Files, CHL; tingnan din sa Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 59–67, 136, 139–40.

  23. Lee, Mormonism Unveiled, 219–20; “Ellott Willden, Prepared Report,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 213–14; Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 64–65; tingnan din sa Knack, Boundaries Between, 2; at Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 137–45.

  24. “Lee’s Confession,” Sacramento Daily Record-Union, Mar. 24, 1877, 3; Lee, Mormonism Unveiled, 218–20; tingnan din sa “Daniel S. Macfarlane, Prepared Report,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 109.

  25. Lee, Mormonism Unveiled, 218, 219; tingnan din sa “Elias Morris, Prepared Report—Andrew Jenson Copy,” Peb. 2, 1892, sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 253. Ang sipi ay pinamatnugutan upang madali itong basahin; nakasaad sa orihinal na pinagmulan ang “Haight said that unless something was done to prevent it, the emigrants would carry out their threats and rob every one of the out-lying settlements in the South.”

  26. Lee, Mormonism Unveiled, 219–20. Ang sipi ay pinamatnugutan upang linawin; ang “killed” sa orihinal ay pinalitan ng “kill.”

  27. Laban Morrill, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s Second Trial, 1:3–4, 6, 9; Sudweeks, “Life of Laban Morrill,” 1, 8–9; “Elias Morris, Prepared Report—Andrew Jenson Copy,” Feb. 2, 1892, sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 254.

  28. Laban Morrill, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s Second Trial, 1:4, 6, 9, 10–11; Laban Morrill, Testimony, sa Patterson, Shorthand Notes of John D. Lee’s Second Trial, 2:[20]–[21]; Sudweeks, “Life of Laban Morrill,” 8; “Elias Morris, Prepared Report—Andrew Jenson Copy,” Peb. 2, 1892, sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 254; Philip Klingensmith, Testimony, in Boreman, Transcript of John D. Lee’s First Trial, 3:4–5.

  29. Philip Klingensmith, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s First Trial, 3:4–5; Sudweeks, “Life of Laban Morrill,” 8–9; Laban Morrill, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s Second Trial, 1:6–8; “Elias Morris, Prepared Report—Andrew Jenson Copy,” Feb. 2, 1892, sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 254.

  30. Laban Morrill, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s Second Trial, 1:6, 8–10; Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 145–48, 157–62.

  31. “Ellott Willden, Prepared Report”; “Ellott Willden, ‘Additional’ Prepared Report,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 213–15, 222; Carleton, Report on the Subject of the Massacre at the Mountain Meadows, 8; Lee, Mormonism Unveiled, 226–27; “Lee’s Confession,” Sacramento Daily Record-Union, Mar. 24, 1877, 3; tingnan din sa Joseph Clewes, “Mountain Meadows Massacre,” Salt Lake Daily Herald, Abr. 5, 1877, [4]; at Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 158–62.

  32. Jacob Hamblin to Brigham Young, Nov. 13, 1871; Jacob Hamblin, Deposition, Nov. 28, 1871, President’s Office Files, 1843–77, Brigham Young Office Files, CHL; James Haslam, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s Second Trial, 1:12; Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 162–64.

  33. James Holt Haslam, Testimony, Dec. 4, 1884, [2], sa “John D. Lee: Miscellaneous Papers pertaining to His Trials, Guilt, and Death,” 1911, box 1, folder 18, Collected Material concerning the Mountain Meadows Massacre, CHL; James Haslam, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s Second Trial, 1:12; Muster sRoll of Company D, 2nd Battalion, sa Iron Military District, Muster Rolls, 1856–57, Utah Division of Archives and Records Service, Territorial Militia Records, 1849–77, Utah State Archives and Records Service, Salt Lake City.

  34. Joseph Clewes, “Mountain Meadows Massacre,” Salt Lake Daily Herald, Abr. 5, 1877, [4].

  35. “Ellott Willden, Prepared Report,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 213, 216–18; tingnan din sa Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 159–60, 164.

  36. “Bull Valley Snort,” Statement, Feb. 1894, John M. Higbee Information, Collected Material concerning the Mountain Meadows Massacre, CHL; “Ellott Willden, Prepared Report,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 211; Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 173–74.

  37. “Nephi Johnson Affidavit, July 22, 1908,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 328; Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 169–70; tingnan din sa “Lee’s Confession,” Sacramento Daily Record-Union, Mar. 24, 1877, 3.

  38. Martineau, “Mountain Meadow Catastrophy,” [2]; Whitney, History of Utah, 1:700–701; Lee, Mormonism Unveiled, 240; tingnan din sa “Late Horrible Massacre,” Los Angeles Star, Okt. 17, 1857, [2]; “Lee’s Confession,” Sacramento Daily Record-Union, Mar. 24, 1877, 3; at Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 174, 178–79.

  39. “Lee’s Confession,” Sacramento Daily Record-Union, Mar. 24, 1877, 3; J. H. Beadle, “Interview with Jno. D. Lee of Mountain Meadows Notoriety,” Salt Lake Daily Tribune, Hulyo 29, 1872, [2]; Philip Klingensmith, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s First Trial, 3:82; “Nephi Johnson Affidavit, Nov. 30, 1909,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 329; tingnan din sa Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 172–74.

  40. “Elias Morris, Prepared Report—Andrew Jenson Copy,” Peb. 2, 1892; “William Barton, Prepared Report,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 67–69, 254–55.

  41. [Josiah Rogerson], “Review of John D. Lee’s Life and Confessions,” 21–22, sa “John D. Lee: Miscellaneous Papers pertaining to His Trials, Guilt, and Death,” 1911, box 1, folder 19, Collected Material concerning the Mountain Meadows Massacre, CHL; “Lee’s Confession,” Sacramento Daily Record-Union, Mar. 24, 1877, 3; “Daniel S. Macfarlane, Prepared Report,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 110–11; Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 177–79. Isinasaad ng mga pinagmulan na naroon si Elias Morris sa pulong nina Isaac Haight at William Dame.

  42. Jacob Hamblin to Brigham Young, Nov. 13, 1871, President’s Office Files, 1843–77, Brigham Young Office Files, CHL; “Daniel S. Macfarlane, Prepared Report,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 110–11; Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 178–79.

  43. Jacob Hamblin, Deposition, Nov. 28, 1871, President’s Office Files, 1843–77, Brigham Young Office Files, CHL; tingnan din sa Jacob Hamblin to Brigham Young, Nov. 13, 1871, President’s Office Files, 1843–77, Brigham Young Office Files, CHL.

  44. Brigham Young to Isaac Haight, Sept. 10, 1857; Brigham Young to Orson Pratt Sr., Sept. 12, 1857, Letterbook, tomo 3, 827, 844–48, Brigham Young Office Files, CHL; tingnan din sa Young, Office Journal, Set. 8–10, 1857.

  45. Jacob Hamblin, Deposition, Nov. 28, 1871, President’s Office Files, 1843–77, Brigham Young Office Files, CHL.

  46. James Holt Haslam, Testimony, Dec. 4, 1884, [2]–[5], sa “John D. Lee: Miscellaneous Papers pertaining to His Trials, Guilt, and Death,” 1911, box 1, folder 18, Collected Material concerning the Mountain Meadows Massacre, CHL; tingnan din sa Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 181–83.

  47. James Holt Haslam, Testimony, Dec. 4, 1884, [5], sa “John D. Lee: Miscellaneous Papers pertaining to His Trials, Guilt, and Death,” 1911, box 1, folder 18, Collected Material concerning the Mountain Meadows Massacre, CHL; James Haslam, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s Second Trial, 1:12.

  48. Brigham Young to Isaac Haight, Sept. 10, 1857, Letterbook, tomo 3, 827–28, Brigham Young Office Files, CHL.

  49. Historical Department, Office Journal, Sept. 10, 1857; Hamilton G. Park, Affidavit, Oct. 1907, Collected Material concerning the Mountain Meadows Massacre, CHL; tingnan din sa James Haslam, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s Second Trial, 1:12.

  50. Cedar City Ward, Relief Society Minute Book, Sept. 10, 1857, sa Derr at iba pa, First Fifty Years of Relief Society, 229–30.

  51. Tingan sa “Elias Morris, Prepared Report—Andrew Jenson Copy,” Peb. 2, 1892, sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 253; Cedar City Ward, Relief Society Minute Book, Sept. 10, 1857, sa Derr at iba pa, First Fifty Years of Relief Society, 229–30; at Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 134–35.

  52. Cedar City Ward, Relief Society Minute Book, Sept. 10, 1857, at Derr at iba pa, First Fifty Years of Relief Society, 23–31; Songs of Zion (Publication place and publisher unidentified, [1853]), sa John Freeman, Songbook, circa 1849, CHL.

  53. Philip Klingensmith, Testimony; Samuel Pollock, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s First Trial, 3:7–8, 4:68, 5:182; “Daniel S. Macfarlane, Prepared Report”; “Nephi Johnson Affidavit, July 22, 1908,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 112, 329; Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 158–59, 179, 190; appendix C, 255–64.

  54. Tingnan sa Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, appendix C, 255–64.

  55. “Nephi Johnson Affidavit, July 22, 1908,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 330; tingnan din sa “Daniel S. Macfarlane, Prepared Report,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 111; at Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 179.

  56. Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 187–89.

  57. “Nephi Johnson Affidavit, July 22, 1908”; “Nephi Johnson Affidavit, Nov. 30, 1909,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 328–30, 332; Nephi Johnson, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s Second Trial, 1:76–77; Nephi Johnson to A. H. Lund, Mar. 1910, Collected Material concerning the Mountain Meadows Massacre, CHL.

  58. “Nephi Johnson Affidavit, July 22, 1908,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 329–30; Lee, Mormonism Unveiled, 238–40; “Lee’s Confession,” Sacramento Daily Record-Union, Mar. 24, 1877, 3; James Lynch, Affidavit, [May 1859], sa Turley, Johnson, at Carruth, Mountain Meadows Massacre, 1:247.

  59. “Nephi Johnson Affidavit, July 22, 1908”; “Nephi Johnson Affidavit, Nov. 30, 1909,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 329–30, 333; Lee, Mormonism Unveiled, 240; “Lee’s Confession,” Sacramento Daily Record-Union, Mar. 24, 1877, 3; Samuel McMurdy, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s Second Trial, 1:35–36; Joel White, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s First Trial, 3:126; “Mountain Meadows Massacre,” Daily Arkansas Gazette, Set. 1, 1875, [3]; Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 196–97, 202–5.

  60. Nephi Johnson, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s Second Trial, 1:76–77; Lee, Mormonism Unveiled, 238, 240; “Nephi Johnson Affidavit, Nov. 30, 1909,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 333; “Lee’s Confession,” Sacramento Daily Record-Union, Mar. 24, 1877, 3; tingnan din sa “Nephi Johnson Affidavit, Hulyo 22, 1908,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 329–30.

  61. “Ellott Willden, Bancroft Corrections—Prepared Report,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 156–58; tingnan din sa Whitney, History of Utah, 1:706.

  62. Philip Klingensmith, Testimony; Joel White, Testimony, in Boreman, Transcript of John D. Lee’s First Trial, 3:81–82, 126–27; Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 199.

  63. “Ellott Willden, Bancroft Corrections—Prepared Report”; “Nephi Johnson Affidavit, Nov. 30, 1909,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 158, 333; Jacob Hamblin, Testimony, sa Carleton, Report on the Subject of the Massacre at the Mountain Meadows, 9; Samuel Pollock, Testimony, in Boreman, Transcript of John D. Lee’s First Trial, 5:196; tingnan din sa “Lee’s Confession,” Sacramento Daily Record-Union, Mar. 24, 1877, 3; at Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 200.

  64. “Ellott Willden, Bancroft Corrections—Prepared Report,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 158–59; Albert Hamblin, Testimony, sa Carleton, Report on the Subject of the Massacre at the Mountain Meadows, 14; William Young, Testimony, in Boreman, Transcript of John D. Lee’s First Trial, 4:53, 5:210–11.

  65. “Ellott Willden, Bancroft Corrections—Prepared Report,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 158–59; Philip Klingensmith, Testimony, in Boreman, Transcript of John D. Lee’s First Trial, 3:15, 17–18; Philip Klingensmith, Testimony, in Rogerson, Shorthand of John D. Lee’s First Trial, 2:27; Philip Klingensmith, Testimony, U.S. v. John D. Lee (1875), sa Patterson, Shorthand Notes of John D. Lee’s First Trial, 3:[2]–[3]; “Ellott Willden, Field Notes,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 202.

  66. Lee, Mormonism Unveiled, 241–42; “Nephi Johnson Affidavit, July 22, 1908,” sa Turley and Walker, Mountain Meadows Massacre, 330.

  67. “Nephi Johnson Affidavit, July 22, 1908,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 330; Philip Klingensmith, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s First Trial, 3:85; Rachel Hamblin, Testimony; Albert Hamblin, Testimony, sa Carleton, Report on the Subject of the Massacre at the Mountain Meadows, 11–12, 14; tingnan din sa Jacob Hamblin, Testimony, in Carleton, Report on the Subject of the Massacre at the Mountain Meadows, 7–8; at Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 200, 208–9, 214–15, 246.

  68. Rachel Hamblin, Testimony, in Carleton, Report on the Subject of the Massacre at the Mountain Meadows, 11–12.

  69. Lee, Mormonism Unveiled, 245; “Lee’s Confession,” Sacramento Daily Record-Union, Mar. 24, 1877, 4.

  70. Lee, Mormonism Unveiled, 245; “Ellott Willden, Bancroft Corrections—Field Notes,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 144; tingnan din sa “John H. Henderson, Field Notes,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 76.

  71. Lee, Mormonism Unveiled, 246; “Lee’s Confession,” Sacramento Daily Record-Union, Mar. 24, 1877, 4.

  72. Lee, Mormonism Unveiled, 245–47; Carleton, Report on the Subject of the Massacre at the Mountain Meadows, 29.

  73. “Lee’s Confession,” Sacramento Daily Record-Union, Mar. 24, 1877, 4; Lee, Mormonism Unveiled, 246. Ang sipi ay pinamatnugutan upang linawin; ang “was” sa orihinal ay pinalitan ng “were.”

  74. Lee, Mormonism Unveiled, 246–47.

  75. Lee, Mormonism Unveiled, 247–48; Nephi Johnson, Testimony, sa Boreman, Transcript of John D. Lee’s Second Trial, 1:77–79; tingnan din sa Walker, Turley, at Leonard, Massacre at Mountain Meadows, 215–16.

  76. “Nephi Johnson Affidavit, July 22, 1908,” sa Turley at Walker, Mountain Meadows Massacre, 330; Brigham Young to Isaac Haight, Sept. 10, 1857, Letterbook, tomo 3, 827–28, Brigham Young Office Files, CHL.

  77. James Haslam, Panayam ni Scipio A. Kenner, Dis. 4, 1884, sa Turley, Johnson, at Carruth, Mountain Meadows Massacre, 2:894. Paksa: Mountain Meadows Massacre