2009
Isang Mabait na Pagbati
Oktubre 2009


Isang Mabait na Pagbati

Brittany H., age 9, Ohio, USA

May isang batang babae sa bus ko na medyo kakaiba ang kilos. Wala siyang mga kaibigan, at masungit ang lahat sa kanya. Naawa ako, kaya nilapitan ko siya at binati. Gusto niyang tabihan ko siya sa upuan, kaya tinabihan ko siya. Ngayon ay madalas ko na siyang katabi papasok sa eskuwela. Mukhang mas masaya siya, at nakapagpasaya sa akin iyon. May kapatid akong maliit na may kapansanan, at sana may isang taong gumawa rin ng ganoon para sa kanya paglaki niya.