2010
Siya ay Nakikinig
Hunyo 2010


Siya ay Nakikinig

“Napakinggan ng Panginoon ang mga panalangin ng kanyang mga tao” (Mosias 27:14).

  1. Devon, oras na para maghandang manalangin.

    Pero handa na po ako.

  1. Hindi, Devon. Dapat kang lumuhod, humalukipkip, at pumikit habang nagdarasal. Dapat hindi ka malikot. Paggalang iyon sa Ama sa Langit.

    Binitawan ni Devon ang kanyang laruang trak, humalukipkip, at lumuhod sa tabi ni Inay.

  1. Paano po nakikinig sa akin ang Ama sa Langit? May mga tainga ba Siya?

    Oo, may mga tainga Siya. Nakikinig Siya habang nagdarasal ka.

  1. Nanalangin na si Devon at nanatiling nakaluhod at nakayuko at nakahalukipkip nang ilang segundo nang matapos siya.

    Hindi siya kumikibo. Sigurado po ba kayong nakikinig Siya?

    Karaniwan ay sinasagot ng Ama sa Langit ang ating mga panalangin sa pamamagitan ng pagkausap sa ating puso’t isipan sa halip na magsalita sa ating mga tainga. Ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

  1. Devon, ano ang pakiramdam mo kapag nagbabahagi ka?

    Masaya po.

    At ano ang pakiramdam mo kapag nakakagawa ka ng mali—gaya ng pagbato ng mga laruan mo?

    Hindi po maganda ang pakiramdam ko.

    Tinutulungan tayo ng Espiritu Santo na madama ito para ipaalam sa atin ang tama at mali. Tinutulungan din Niya tayong magkaroon ng mga ideya kung anu-ano ang magagawa natin para maging mas masaya.

  1. May iba pang paraan para malaman natin na nakikinig ang Ama sa Langit. Naaalala mo ba kung paano Niya tinulungang gumaling si Lola matapos siyang mabigyan ng priesthood blessing?

    Opo, natutuwa ako’t gumaling si Lola.

  1. Kapag hindi mo naririnig na kinakausap ka ng Ama sa Langit, hindi iyon nangangahulugan na hindi Siya nakikinig. Ipinadarama Niya sa iyo ang masigla at magandang pakiramdam para ipaalam sa iyo na nariyan Siya.

  1. Natuwa si Devon.

    Alam ko na po ngayon, Inay. Nakikinig nga sa akin ang Ama sa Langit.