2010
Komentaryo
Hunyo 2010


Komentaryo

Isang Magandang Taon na Darating

Gusto ko ang bagong anyo ng Liahona. Gusto ko ang pagkakaayos ng mga artikulo ayon sa edad, lalo na ang bahaging pang-kabataan, na malaki ang tulong sa akin. Gusto ko ang mga bagong bahagi, lalo na ang bahaging Marami Pang Impormasyon Online. Inaasam ko ang isang magandang taon!

Roland T., edad 17, Pangasinan, Philippines

Nadama Ko ang Espiritu

Ngayon nadama ko nang matindi ang Espiritu nang basahin ko ang bagong Liahona. Young Women president ako, at nang makita ko ang bagong pormat, nakita ko ang matinding pag-aalala ng Ama sa Langit para sa mga kabataan, dahil may bahagi nang para lang sa kanila. Alam ko na makikinabang sa mga bagay na ito ang aking tahanan, mga dalagita ko, at mga miyembro sa buong mundo.

Shanin Palma Sanhueza, Chile

Ang Pinakamainam sa Lahat

Ilang taon na ang nakalilipas inilipat ko ang lahat ng suskrisyon ko sa magasin ng Simbahan sa Liahona. Ibinigay nito sa akin ang pinakamainam sa lahat ng magasin at pinalawak nito ang kaalaman ko sa mga nangyayari sa buong mundo. Gayunman, kung minsan ay nalilito ako sa pormat nito.

Ngayon dahil sa bagong Liahona, lahat ng alalahanin ko sa pormat nito ay nawala, at mas nakatuon at mas makabuluhan ang nilalaman nito. Ngayon, higit kailanman, ang Liahona ay patuloy na magiging bahagi ng personal na pag-aaral ko ng ebanghelyo.

Larry D. Kump, West Virginia, USA