2011
Komentaryo
Agosto 2011


Komentaryo

Nasa Liahona ang mga Sagot

Malaking pagpapala ang Liahona sa akin, sa aking pamilya, at sa lahat ng tao na nagkaroon ako ng pagkakataong makausap tungkol sa Simbahan. Kapag kailangan ko ng payo, binabasa ko ang Liahona, at lagi kong natatagpuan ang sagot na kailangan ko. Maganda rin ang Liahona sa Internet—nakakatulong ito sa akin sa paghahanda ng mga mensahe at aralin dahil madali akong makapagsaliksik.

Maurilio Braz Santana, Brazil

Isang Gabay para sa mga Naghahanap

Buwan-buwan kapag binabasa ko ang Liahona, nadaragdagan ang mga nalalaman ko. Ipinaaalala nito ang pagmamahal sa akin ng Tagapagligtas at tinutulungan akong magpakabuti. Alam ko na ang magasing ito ay isang gabay para sa mga tunay na naghahanap ng patnubay.

Ange-Loraine Kouadio, Côte d’Ivoire

Nadarama ang Espiritu sa mga Tinig ng mga BHA

Paganda nang paganda ang Liahona bawat buwan. Nagagalak ako tuwing natatanggap ko ito, dahil tiyak ko na makakakita ako rito ng mga mensaheng nagpapasigla. Gustung-gusto ko lalo na ang mga Tinig ng mga Banal sa mga Huling Araw. Nadarama ko ang Espiritu kapag binabasa ko ang tungkol sa mga taong nadaraig ang mga paghihirap at tukso dahil sa halimbawa at mga turo ng Manunubos.

Sheila Uamba, Mozambique