2011
Kasiyahan sa Pagganap ng Aking Tungkulin
Agosto 2011


Kasiyahan sa Pagganap ng Aking Tungkulin

Mat Carter, Utah, USA

Bilang binata, nalaman ko na nakakatulong ako sa aming ward at nakadarama ng kasiyahan sa paglilingkod ko sa iba’t ibang tungkulin sa Simbahan.

Kasalukuyan akong naglilingkod bilang pangalawang tagapayo sa Young Men presidency. Ang makabilang sa organisasyon ng Young Men ay nagbigay sa akin ng pagkakataong makasama ang mga deacon upang mangolekta ng mga handog-ayuno, makausap ang mga di-gaanong aktibong miyembro ng ward, at dumalo sa mga kumperensya ng mga kabataan at aktibidad sa Mutual. Nagalak din akong makapunta sa templo kasama ang mga kabataan para magsagawa ng mga binyag para sa mga patay. Habang naglilingkod sa tungkuling ito, sinikap kong tulungan ang mga binatilyo sa kanilang pagbibinata sa pagpapakita na mahal ko sila at pinahahalagahan. Ang mga karanasang ito ay nakatulong sa aking espirituwal na pag-unlad at naging pagpapala sa aking buhay.