2012
Ang Simbahan sa Iba’t Ibang Dako
Marso 2012


Ang Simbahan sa Iba’t Ibang Dako

Nag-impake ng mga Hygiene Kit ang mga Miyembrong Taga Ethiopia

Mahigit 70 miyembro ng Simbahan ang nagtipon sa Meganagna meetinghouse sa Addis Ababa, Ethiopia, noong Oktubre 1, 2011, tinatayang limang oras para mag-impake ng 5,000 hygiene kit para sa kanilang mga kababayan na apektado ng tagtuyot ng Horn of Africa.

Ang proyekto ay bahagi ng pagsisikap ng Simbahan na tulungan ang mga taong naninirahan sa mga hangganan ng Ethiopia.

Mayroon nang Bagong Leadership Training Video Library

Bilang interactive supplement sa updated na Handbook 2: Administering the Church, ibinalita ng Priesthood Department ng Simbahan ang Leadership Training Library, isang koleksyon ng maiikling training video na nagtatampok sa mga alituntuning itinuro sa manwal. Ang bagong sanggunian ay makukuha na ngayon sa leadershiplibrary.lds.org. Ang mga bahagi ng library ay makukuha sa 11 wika sa taong ito.

Ipinagdiriwang ng Chile ang 50 Taon ng Gawaing Misyonero

Noong Oktubre 2011, isang linggong ipinagdiwang ng Chile ang ika-50 anibersaryo ng gawaing misyonero ng Simbahan.

Itinaguyod ng Chile Area Presidency ang pagdiriwang at nagsalita sa kaganapan noong Sabado, Oktubre 15, na pinakatampok sa pagdiriwang.

Nagpunta ang 20,000 mga miyembro sa Santa Laura Stadium ng Santiago, kung saan ang mga mensahe, awitin, laro, at sayaw na pangkultura ay nagpagunita sa pagtanggap ng mga taga-Chile sa ebanghelyo at paglago ng Simbahan.

Tumutulong ang mga miyembro at misyonero sa Addis Ababa, Ethiopia, sa pag-iimpake ng 5,000 mga hygiene kit na ipadadala sa mga kababayan nila na apektado ng tagtuyot ng Horn of Africa.

Larawang kuha ni Sister Robin O’Crowley