2012
Amos 3:7
Marso 2012


Taludtod sa Taludtod

Amos 3:7

Itinuturo sa atin ng talatang ito ang mahalagang papel ng mga propeta.

7 Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.

Ang Panginoong Diyos

Larawan
Pangulong Henry B. Eyring

“Dahil mahal ng ating Ama ang kanyang mga anak, hindi niya tayo hahayaang hulaan kung ano ang pinakamahalaga sa buhay na ito kung magpapaligaya ba ang ating pagpansin o kung magpapalungkot ang ating pagwawalang-bahala. Kung minsan diretsahan niyang sasabihin sa isang tao ang gayong mga bagay, sa pamamagitan ng inspirasyon. Ngunit bukod pa rito, sasabihin niya sa atin ang mahahalagang bagay na ito sa pamamagitan ng kanyang mga lingkod. … Ginagawa Niya ito para kahit na ang mga taong hindi nakadarama ng inspirasyon ay malaman, kung makikinig lamang sila, na sinabi na sa kanila ang katotohanan at binalaan na sila.”

Pangulong Henry B. Eyring, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “The Family,” Liahona, Okt. 1998, 12; Ensign, Peb. 1998, 10.

Siya ay Naghahayag

Paano nangungusap ang Panginoon sa Kanyang mga propeta? Maraming paraan, kabilang na ang:

Ang Kanyang Lihim

Ang literal na kahulugan ng orihinal na salitang Hebreo na ginamit sa Biblia para sa lihim ay “payo,” kaya’t may kinalaman ito sa mga plano o layon ng Panginoon.

Kanyang mga Lingkod na mga Propeta

Larawan
Elder L. Tom Perry

“Paulit-ulit na ipina[p]ahayag ng mga banal na kasulatan na ibinibigay ng Panginoon ang Kanyang mga kautusan sa mga anak ng tao sa pamamagitan ng mga buhay na propeta. Walang lupon, samahan, o anupamang awtoridad ang may karapatang diktahan Siya ng doktrinang salungat sa Kanyang batas. Ang mga walang hanggang biyaya ng Diyos ay depende sa ating pagsunod at pagtalima sa salita ng Panginoon na ipinahayag sa atin sa pamamagitan ng Kanyang mga banal na propeta.”

Elder L. Tom Perry ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Naniniwala Kami sa Lahat ng Ipinahayag ng Diyos,” Liahona, Nob. 2003, 88.

Ano ang ipinagagawa sa atin ng mga buhay na propeta at apostol kamakailan? Repasuhin ang pinakahuling pangkalahatang kumperensya (tingnan sa conference.lds.org) at isiping isulat sa inyong journal ang mga bagay na dama ninyong ipinagagawa sa inyo bunga ng sinabi ng mga lingkod ng Panginoon.