2012
Notebook ng Kumperensya ng Oktubre
Marso 2012


Notebook ng Kumperensya ng Oktubre

“Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko; … maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (D at T 1:38).

Habang pinag-aaralan ninyo ang pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2011, magagamit ninyo ang mga pahinang ito (at ang mga Notebook ng Kumperensya sa darating na mga isyu) para malaman at maiangkop ninyo ang mga huling turo ng mga buhay na propeta at apostol.

Pangako ng Isang Propeta

“Sa sandaling mapag-aralan ninyo ang mga doktrina at tuntunin ng pagkakawanggawa ng Simbahan, hangaring gawin ang natutuhan ninyo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga taong nasa ilalim ng inyong pangangasiwa. Ibig sabihin, sa maraming pagkakataon, kayo mismo ang kailangang umalam kung paano gagamitin ang mga ito. …

“… Kailangang gawin ninyo sa inyong lugar ang ginagawa ng mga disipulo ni Cristo sa bawat dispensasyon: payuhan ang isa’t isa, gamitin ang lahat ng makukuhang tulong, hangarin ang inspirasyon ng Espiritu Santo, hingin ang pagsang-ayon ng Panginoon, at ihanda ang sarili at kumilos o magtrabaho.

“Ipinapangako ko sa inyo na kung tutularan ninyo ang paraang ito, kayo ay makatatanggap ng gabay o patnubay sa kung sino ang tutulungan, ano ang itutulong, kailan, at saan tutulong sa paraan ng Panginoon.”

Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Pagtulong sa Paraan ng Panginoon,” Liahona, Nob. 2011, 55.

Pinakamamahal

“Bawat isa sa atin ay mas mahal ng Panginoon kaysa kaya nating unawain o wariin. Kung gayon ay maging mas mabait tayo sa isa’t isa at sa ating sarili.”

Elder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Paghihintay sa Panginoon: Mangyari Nawa ang Iyong Kalooban,” Liahona, Nob. 2011, 73.

Inaanyayahan Kayo

“Inaanyayahan ko

Sino: “ang mga kabataan ng Simbahan

Ano: “na matutuhan at maranasan ang Diwa ni Elias.

Paano: “Hinihikayat ko kayong mag-aral, na saliksikin ang inyong mga ninuno, at ihanda ang inyong sarili na magpabinyag sa bahay ng Panginoon para sa inyong mga namatay na kaanak.”

Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Ang mga Puso ng mga Anak ay Magbabalik-loob,” Liahona, Nob. 2011, 26.

Paglalarawan ni Taia Morley; larawan ng forget-me-nots na kinunan ni Bret Dalton; iba pang mga larawang kuha ni Robert Casey