2014
Larawan ng Propeta
Abril 2014


Larawan ng Propeta

Howard W. Hunter

Natamo ni Howard W. Hunter ang kanyang Eagle Scout Award (ang pinakamataas na parangal sa programa para sa mga kabataang lalaki) noong siya ay 15 taong gulang. Naakit siya sa genealogy at madalas siyang nag-ukol ng panahon sa pagsasaliksik sa genealogical library ng Simbahan o pagbisita sa mga pamilya. Habang naglilingkod bilang Apostol, tumulong siya sa pagpili ng lugar na pagtatayuan ng Brigham Young University Jerusalem Center. Bilang Pangulo ng Simbahan, hinikayat niya ang mga miyembro na sumamba sa templo nang madalas at inilaan ang Bountiful Utah Temple wala pang dalawang buwan bago siya pumanaw.