2014
Mga Artist Inanyayahang Lumahok sa Kumpetisyon
Mayo 2014


Mga Artist Inanyayahang Lumahok sa Kumpetisyon

Inaanyayahan ng Church History Museum ang mga Latter-day Saint artist na lumikha ng mga bagong gawang-sining para sa Ika-10 International Art Competition. Ang mga artist ay hinihikayat na gamitin ang kanilang mga talento para lumikha ng mga sining na nagpapakita ng tema ng eksibisyon na, “Tell Me the Stories of Jesus.” Para sa partikular na kumpetisyong ito, ang mga gawang-sining ay dapat lamang magtuon sa mga kuwento mula sa Bagong Tipan.

Ang mga detalye at pagrerehistro online ay makikita sa lds.org/artcomp, at ang mga artist na nagrerehistro ay tatanggap ng mga information update. Ang mga entry ay tatanggapin mula Nobyembre 3, 2014, hanggang Pebrero 27, 2015. Lahat ng artistic media, estilo, at kultural na pamamaraan ay tatanggapin. Ang mga kalahok ay kailangang edad 18 pataas. Ang mga entry ay hahatulan, at ang mga gawang-sining na napili ay ididispley sa Church History Museum at sa Internet simula Oktubre 2015.