2014
Auxiliary Leadership Training Makukuha sa LDS.org
Mayo 2014


Auxiliary Leadership Training Makukuha sa LDS.org

Para mas matugunan ang mga pangangailangan ng lumalagong Simbahan, layon ng mga general presidency ng Relief Society, Primary, Young Women, Young Men, at Sunday School na maglaan ng taunang pandaigdigang pagsasanay sa pamamagitan ng Internet. Inaasahan na ang pagsasanay na ito ay makukuha sa LDS.org sa kalagitnaan ng bawat taon sa maraming wika.

Itinigil na ang mga auxiliary leadership training meeting na idinaraos noon sa Salt Lake City kaugnay ng pangkalahatang kumperensya ng Abril. Ang mga general auxiliary presidency at kanilang mga board ay patuloy na magbibigay ng in-person training sa mga multistake meeting, kapag inatasan.