2014
Mormon Channel Nakakarating na sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Mayo 2014


Manonood ng Mormon Channel Dumarami

Milyun-milyong tagapakinig at manonood sa buong mundo ang nasisiyahan sa Mormon Channel, na ibinobrodkast sa Ingles at Espanyol 24-oras bawat araw, pitong araw sa isang linggo, mula sa Temple Square sa Salt Lake City, Utah, USA.

Ang opisyal na media channel na ito ng Simbahan ay inilunsad limang taon na ang nakararaan. Maraming Banal sa mga Huling Araw ang natutuwang ibahagi ang content nito sa mga kapwa miyembro at sa iba pa. Ang content ay walang patalastas at kinapapalooban ng tatlong talk-and-music radio stream at maiikling Mormon Message video.

Hanapin ang Mormon Channel sa mormonchannel.org at gayundin sa YouTube, iTunes, Roku, Tumblr, Facebook at Twitter. Makukuha rin nang libre ang mga mobile application para sa mga iOS at Android user.