2015
Isang Paglalakbay para Matutuhan ang Tungkol kay Jesucristo
Enero 2015


Oras para sa Banal na Kasulatan

Isang Paglalakbay para Matutuhan ang Tungkol kay Jesucristo

Sama-samang pag-aralan ang Bagong Tipan sa taong ito!

Larawan
Scripture Time

Sa taong ito sa Primary isang napakagandang paglalakbay ang gagawin ninyo sa pagsunod sa mga yapak ni Jesus at pag-aaral tungkol sa Kanyang buhay mula sa mga pahina ng Bagong Tipan. Pag-aaralan din ng inyong mga magulang ang mga talatang ito sa banal na kasulatan sa kanilang mga klase.

Narito ang ilang aktibidad na tutulong sa inyo at sa inyong pamilya para sama-sama ninyong matutuhan ang tungkol sa Bagong Tipan.