2015
Ang Listahan ng 10 Priyoridad ni Abby
Enero 2015


Ang Listahan ng 10 Priyoridad ni Abby

Mula sa “Pag-uukol ng Panahon para Mag-usap at Makinig,” Liahona, Abr. 2012, 37

“Ito ang plano ng kaligtasan sa lahat ng tao” (Moises 6:62).

Minsan sa isang klase ng young women na binisita ko, hiniling ng guro sa klase na sumulat sila ng 10 priyoridad sa buhay. Pagkatapos ay sinabihan niya sila na ibahagi nila ang kanilang isinulat. Si Abby, na katutuntong lang sa edad 12, ay nakaupo sa tabi ko. Narito ang listahan ni Abby:

  1. Mag-aral sa kolehiyo.

  2. Maging interior designer.

  3. Magmisyon sa India.

  4. Makasal sa templo sa isang returned missionary.

  5. Magkaroon ng limang anak at magkaroon ng tahanan.

  6. Pagmisyunin ang aking mga anak at paaralin sa kolehiyo.

  7. Maging lola na “nagbibigay ng cookies.”

  8. Ibigay ang gusto ng mga apo.

  9. Alamin pa ang tungkol sa ebanghelyo at masiyahan sa buhay.

  10. Bumalik sa piling ng Ama sa Langit.

Nauunawaan ni Abby ang plano ng Ama sa Langit para sa ating lahat. Kapag nakatuon ang inyong landas sa pinakamahalagang mithiin na makabalik sa Ama sa Langit, makararating kayo roon!