2015
Mga Bagong Pinuno Sinang-ayunan
Mayo 2015


Mga Bagong Pinuno Sinang-ayunan

Limang bagong General Authority ang sinang-ayunan sa pangkalahatang kumperensya, para maglingkod sa Unang Korum ng Pitumpu. Sila ay sina Elder Kim B. Clark, Elder Allen D. Haynie, Elder Von G. Keetch, Elder Hugo Montoya, at Elder Vern P. Stanfill.

Sinang-ayunan din ang bagong Young Men general presidency. Si Stephen W. Owen ang maglilingkod bilang Pangulo; Douglas D. Holmes, unang tagapayo; at M. Joseph Brough, pangalawang tagapayo.

Sinang-ayunan din ang isang bagong tagapayo sa Primary general presidency. Si Mary R. Durham ay tinawag na maglingkod bilang pangalawang tagapayo. Si Rosemary M. Wixom ay patuloy na maglilingkod bilang Pangulo, at si Cheryl A. Esplin, na dating naglingkod bilang pangalawang tagapayo, ay maglilingkod ngayon bilang unang tagapayo.

Ang mga talambuhay ng mga bagong tawag na pinuno ay matatagpuan sa mga pahina 140–144.