2015
Palakasin ang Pananampalataya sa Pamamagitan ng mga Bible Video
Mayo 2015


Palakasin ang Pananampalataya sa Pamamagitan ng mga Bible Video

Makakatulong kayo sa pagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo sa taon na ito—sa inyong sarili at sa iba—sa panonood at pagbabahagi ng The Life of Jesus Christ Bible Videos sa BibleVideos.org at sa Bible Videos app.

Ang mga resources na ito na nagpapatibay ng pananampalataya ay ibinibigay nang libre sa iba pang mga simbahan sa pagsisikap na ibahagi ang mensahe ng Tagapagligtas sa lahat hanggang sa buong mundo, upang tulungan ang mga manonood na madama ang Kanyang pagmamahal at mahikayat sila na hangarin na maging higit na katulad Niya.

Sa 92 Bible video na gawa ng Simbahan sa nakalipas na tatlong taon, mahigit kalahati ay naisalin sa wikang Espanyol, Portuges, Italian, French, Russian, German, Korean, Japanese, at Chinese mula sa wikang Ingles.