2015
Si Pangulong Eyring sa Vatican Summit
Mayo 2015


Si Pangulong Eyring sa Vatican Summit

Si Pangulong Henry B. Eyring, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, ay nanawagan na “ muling pag-ibayuhin ang masayang pagsasama ng mag-asawa” sa isang international interreligious summit sa Vatican City na pinangasiwaan ng Simbahang Katoliko noong Nobyembre 18, 2014. Nagsama-sama sa okasyon, na may pamagat na “The Complementarity of Man and Woman,” ang mga lider ng relihiyon mula sa 14 na relihiyon at 23 bansa.

“Ang isang lalaki at isang babae, na pinagbuklod ng kasal, ay may pambihirang kakayahang mapasaya ang kanilang sarili, kanilang pamilya, at ang mga taong nakapaligid sa kanila,” sabi ni Pangulong Eyring.