2015
Q&A Kasama sina Elder at Sister Bednar
Mayo 2015


Q&A Kasama sina Elder at Sister Bednar

Ang mga kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo ay inaanyayahang makibahagi sa isang live, interactive Face to Face question-and-answer session kasama si Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol at kanyang asawang si Susan.

Ang mga kabataan ay maaaring makibahagi sa pag-uusap sa Mayo 12, 2015, alas-6:00 n.g. Mountain Daylight Time, sa panonood ng live stream sa LDS.org, LDS Youth Facebook page, Youth Activities site (lds.org/youth/activities), o sa YouTube page ng Mormon Channel. Ang brodkast ay isasalin din nang live sa Espanyol, Portuges, Italian, German, French, Russian, Korean, Japanese, at Chinese.

Ang mga kabataan ay hinihikayat na magpadala ng mga tanong sa Youth Activities site bago at sa mismong araw ng kaganapang ito; maaari din nilang masundan ang pag-uusap sa #LDSface2face.

“Hinihikayat namin ang mga kabataan, habang sila ay naghahanda para sa kaganapang ito, na hangarin ang patnubay ng Espiritu sa pag-iisip ng maaari nilang itanong,” sabi ni Elder Bednar. “Kapag nasa atin ang Espiritu, lahat tayo ay sabay-sabay na matututo.”