2018
Ang Paggalang ay Pagmamahal
Disyembre 2018


Ang Paggalang ay Pagmamahal

Larawan
Reverence Is Love

Noong Biyernes ay sinabi sa akin ng titser ko na magbasa ng isang tulang isinulat ko sa harap ng lahat ng estudyante, titser, at magulang sa aming school assembly. Nasasabik talaga ako, kaya sinabi kong, “Opo!” Pero talagang kinakabahan din ako tungkol dito.

Habang ako ay nakaupo sa entablado at hinihintay na basahin ang tula ko, ang aking puso ay nagsimulang tumibok nang napakabilis. Lubhang kinakabahan ako tungkol sa pagbabahagi ng isang bagay na isinulat ko sa napakaraming tao.

Pagkatapos ay may naisip ako. Naisip ko kung paano nagbabasa ang aking pamilya at ako mula sa Aklat ni Mormon nang magkakasama kapag umaga bago ang eskuwela. Ang alaala ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan kasama ng aking pamilya ay nagdulot sa akin na isipin ang Ama sa Langit. Naisip ko kung gaano Niya ako kamahal. Ako ay nakadama ng kapanatagan at hindi na nag-iisa. Ang aking puso ay hindi na tumitibok nang ganoong kabilis, at nadama ko na magalang ako.

Sa Aklat ng mga Awit Pambata sa pahina 12, sinasabi ng mga titik na,

Paggalang, hindi lang katahimikan:

Ito’y pag-alala sa D’yos,

Nararamdaman ‘pag biyaya’y nakamtan.

Paggalang ay pagmamahal.

Ang paggalang ko‘y nasa kilos at wika.

Daan sa ‘ki‘y ‘pinakita.

Kapag may galang aking nadarama,

Ama‘t si Jesus ay kasama.

Nagpapasalamat ako na nadama ko ang pagmamahal ng Ama sa Langit noong kinakabahan ako sa assembly. At nagpapasalamat ako na malaman na ako ay mahal na mahal Niya.

Nalalaman ko na sa mahihirap na sitwasyon, mapipili kong maging magalang at maisip ang Diyos.